True kaya Ali Khatibi apat na ang panganay?

True kaya, ex-hubby ni Cristine na si Ali Khatibi 4 na ang panganay?

Reggee Bonoan |March 02,2024
facebook
share this

True kaya, ex-hubby ni Cristine na si Ali Khatibi 4 na ang panganay?

Reggee Bonoan - March 02, 2024 - 09:35 AM

True kaya, ex-hubby ni Cristine na si Ali Khatibi apat na ang panganay?

PHOTO: Instagram/@mralikhatibi

TRULILI kayang apat na ang anak ni Ali Khatibi, ang ex-husband ni Cristine Reyes?

Ito ang “chism” ng self-proclaimed Pambansag Marites na si Xian Gaza na ibinandera niya sa kanyang Facebook account kamakailan.

Sinimulan muna ni Xian sa blind item, “Kakababa ko lang ng phone. May tumawag. So ang chesmes na hindi kompirmd, buntis daw si girl ngayon. Daw ha? Not sure pa. Kung totoo man ay ika-apat na panganay na niya ito. Officially acknowledged ha? Baka may iba pa na hindi natin nalalaman. Ang malupit diyan, yung tatlong official panganay ay hindi niya sinusustentuhan since birth.”

Wika pa niya, “Yung tatlong Baby Mama lang ang nagtataguyod sa mga bata. As in. Kompirmd 100%. Eto mas malupit diyan, dahil wala siyang bahay at wala siyang pera pambayad ng apartment, ibinahay niya yung (maybe) buntis niyang babae ngayon sa bahay na binili ni ex-wife niya. Ang pinakamalupit na chesmes diyan, yung kasalukuyan niyang babae ngayon ang bumubuhay sa kanya dahil wala siyang source of income. Grabe hindi ako nakakapit dun.”

Baka Bet Mo: Ali Khatibi hindi raw nagsusustento sa ibang anak, gumagamit ng ‘fake’ PWD ID para makadiscount ayon kay Xian Gaza

Hanggang sa binangit ng lalaking Marites na ang guy ay ang dating asawa ni Cristine at kinarma raw siya dahil ang negosyo niyang online casino sa Thailand ay marami ang nag-cash out.

Nag-post ulit si Xian sa FB account niya kinabukasan at sinabing: “Kaka-chesmes ko sa ex-husband ni Cristine Reyes, KINARMA AKO. May nanalo today sa CASINYEAM(.)NET kapag owner ka ng isang online casino. Company vs Everyone.”

“Kapag natalo players, maganda kita ng company, kapag may nanalong player, egul ang nigusyu, karma is real. chesmes pa more,” kuwento ni Xian.

Tinanong daw siya ng staff niya kung papahintuin ang naglalaro.

“Stop ba natin playing?”

“Bilang may-ari ng casino, you have the right to stop the player from playing kapag tuloy-tuloy ang swerte niya. Meaning to say, i-cashout namin yung buong 3M pesos tapos next week na ulit siya maglaro.

“Natatakot ang Operations Director namin kasi 300K pesos na daw ang tayaan niya sa Baccarat. Baka yung 3M winnings niya today ay maging 10M pa kaya pinagde-desisyon niya ako on-the-spot. Sabi ko, gorabelles lang. Hayaan mo lang siya maglaro. Marami tayong pang-cash-out.”

Samantala, pinost ni Xian ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng nagkuwento sa kanya na kinumpirma nga nitong buntis ang girl para sa pang-apat na panganay ni Ali.

Mensahe ng kaibigan ni Xian, “Kasabay ko pa ‘tong magpa-check-up si girl same pa kami ng duktor, confirmed buntis ha, ha, ha.

Post ni Xian, “KOMPIRMD! NALAMAN NA RIN ANG GENDER, BABY BOY! TUWANG-TUWA SI ALI KHATIBI KASI FINALLY NAKALALAKI NA SIYA AFTER NG TATLONG BABAENG PANGANAY NA HINDI NIYA SINUSUSTENTUHAN. Congratulations! May bago ka nanamang pababayaan.”

May post din ang chismosong social media influencer ng larawan ni Ali at ng girl kasama ang anak niya kay Cristine na nasa harapan ng girlfriend ng una.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binigyan ito ng meanng ni Xian, “kaya pala imbis sa left side ni Ali naka-pwesto ‘yung anak ni Cristine Reyes eh naka-pwesto siya sa harap ng tiyan ni Ate ah okay okay gets ko na ngayon.”

Pagkalipas ng ilang oras ay muling nag-post si Xian ng, “Ha?? Ano kamo?? Kakasuhan ako ng libel?? sobra namang nakakatakot ‘yan.”

Baka kasi inalabas ni Xian ang larawan nina Ali at ang nakaakbayan niyang babae kasama ang anak nilang may takip ang mukha dahil menor de edad.

Anyway, bukas ang BANDERA para sa panig ni Ali Khatibi tungkol sa umanong buntis ang girlfriend sa ika-apat niyang panganay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending