Jamie Bautista, Anthony Leodones hiwalay na

Jamie Bautista, Anthony Leodones hiwalay na

Therese Arceo |February 28,2024
facebook
share this

Jamie Bautista, Anthony Leodones hiwalay na

Therese Arceo - February 28, 2024 - 01:42 PM

Jamie Bautista, Anthony Leodones hiwalay na

Jamie Bautista at Anthony Leodones

KINUMPIRMA ng social media influencer na si Jamie Bautista na matapos ang ilang taong pagsasama ay hiwalay na sila ni Anthony Leodones.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang buong saloobin hinggil sa kanilang break up.

Una kasing lumabas ang chikang hiwalay na sila nang nagkaroon ng cryptic post si Jamie ng “Not all stories have happy ending.”

Matapos ang mga haka-haka ng madlang netizens ay tuluyan na ngang kinumpirma ng social media influencer na hiwalay na sila ng asawa.

“Anthony, We’ve been together for 9 years at ayun yung mga pinaka masayang taon ng buhay ko. We were 16 and 18 nung nagkakilala tayo, 18 ka naman at 20 ako nung mapagdesisyunan natin na magpakasal,” pagbabahagi ni Jamie.

Baka Bet Mo: Female celeb-influencer sobrang tigas na ng mukha, adik na adik daw sa botox

Ani Jamie, noong mga panahon na ‘yun ay wala silang pakialam sa kung ano ang mangyayari basta alam nilang mahal nila ang isa’t isa at gusto nilang lagi na silang magkasama dahil naka-long distance relationship sila noon.

“Kaya kahit ayaw pa pumayag ng mga magulang natin inilaban natin pareho. Mag kasama tayo sa saya, sa lungkot, sa hirap, at sa ngayong guminhawa kahit papaano yung buhay natin,” pagbabahagi pa ni Jamie.

Sa tagal ng kanilang pagsasama ay marami na silang pinagdaanang laban at pagsubok na nagbigay aral sa kanilang dalawa.

“At isa na don yung hindi pala pwede na puro mahal lang natin yung isa’t isa kailangan pala nagg-grow din tayo pareho,” saad ni Jamie.

Pagpapatuloy niya, “Ang daming nangyare be.. akala ko kaya ko parin ipaglaban kahit anong pangit ang mangyare sa relasyon natin, akala ko kaya ko.”

Kuwento pa niya, sinubukan naman nilang ayusin pero hindi niya namalayang nauubos na sila.

“Unti unti tayong nauubos.. Parang unti unti hindi ko na nakikilala yung sarili ko, aminado ako na nag-iba yung pakikitungo ko sayo, nag-iba yung ugali ko sayo at alam kong nasasaktan narin kita.

“Dahil sa nangyari in the past, aminado akong nabawasan talaga yung pagmamahal ko sayo, hindi na kita kayang mahalin kung paano kita dapat mahalin at alam kong ang unfair non dahil nakikita ko kung paano ka bumawi sakin at paano mo pagsisihan yon,” lahad ni Jamie.

Para sa mga hindi aware,nagkaroon ng insidente noon kung saan nagloko si Anthony kay Jamie na inamin nila sa publiko.

Inakala ng babaeng influencer na makakalimutan nila ito marahil hindi niya napansin na kahit napatawad na niya ang ginawa ni Anthony ay may epekto pa rin sa kanya.

“Siguro kailangan ko muna rin talaga magheal pong, kelangan ko din ayusin yung sarili ko para na rin sa ikakabuti ng bawat isa.. Gusto ko lang din sabihin na mag-ingat ka palagi, wag mo pababayaan yung sarili mo, ani Jamie.

Nilinaw rin niya na maayos silang naghiwalay at walang involved na third party.

“Maayos po naming napag-usapan ito at parehas po naming napagdesisyunan ito,” sey ni Jamie.

Pahabol pa niya, “Thank you sa lahat ng memories.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumikat sina Jamie Bautista at Anthony Leodones dahil sa mga ibinabahagi nilang video sa Facebook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending