Vlogger Francis Candia drinoga, muntikang kunin ang ‘kidney’

Vlogger Francis Candia drinoga, muntikang kunin ang ‘kidney’ sa Colombia

Pauline del Rosario - April 21, 2024 - 05:26 PM

Vlogger Francis Candia drinoga, muntikang kunin ang ‘kidney’ sa Colombia

PHOTO: Facebook/Francis Candia

NAKAKATAKOT naman ‘yung nangyari sa Pinoy travel vlogger na si Francis Candia!

Imbes kasi na masayang memories, nabahiran ng hinding magandang karanasan ang kanyang pamamasyal sa Columbia recently.

Ayon kay Francis, nabiktima siya ng kartel sa nasabing bansa at muntikan pang kuhain ang kanyang kidney.

Ang nakakatakot na pangyayari ay ikinuwento niya agad sa kanyang vlog matapos makatakas sa kamay umano ng mga sindikato.

Kwento ni Francis, huling gabi na niya sa Colombia at naisipan niyang tumambay sa rooftop bar ng kanyang hotel at doon ay may nakilala at nakusap siyang lokal.

Sa gitna raw ng kanilang pag-uusap ay iniwan siya saglit nito upang mag-CR at nang bumalik ito ay siya naman daw ang umihi.

Baka Bet Mo: Matteo, Sarah ginagamit ng sindikato sa socmed: Big SCAM…mag-ingat! 

“Hindi ko alam pero siguro may nilagay siya sa drink ko, after ‘nun na-blackout na ako, wala na ako maalala,” sey ng vlogger.

Patuloy niya, “Paggising ko nalang, nasa ospital na ako. May mga apparatus na ako sa dibdib, may mga swero na ako ng blood transfusion tapos sinubukan kong tumayo pero natutumba talaga ako sa sobrang hilo, tapos sabi ko [sa sarili ko], ‘Hindi [ito pwede] kasi kailangan kong lumipad [pauwi].”

“Sumakay ako ng taxi, hindi na ako nagbayad kasi wala na ‘yung wallet ko, wala na ‘yung cellphone ko, wala na ‘yung relo ko. In short, wala na ‘yung valuables ko,” pagbabahagi niya.

Ani pa niya, “Pagdating sa room ko, nabuksan na rin ‘yung locker ko, wala na rin ‘yung laptop ko, wala na rin akong gamit. As in ‘yung mga natitira nalang sakin ay ‘yung mga damit ko.”

Biglang naiyak si Francis sa gitna ng video at sinabing ngayon lang niya ito naranasan sa kanyang buhay at sa mga bansang napuntahan niya.

Inalala rin niya ‘yung paghingi niya ng tulong sa mga staff ng hotel kung saan siya nag-stay, pati na rin ‘yung paglapit niya sa mga pulis upang ma-report ‘yung mga sindikato na nagnakaw ng kanyang importanteng mga gamit.

“Nag-try akong kausapin ‘yung mga tao sa lobby kaso tatlong beses na akong nahimatay guys…binigyan nila ako ng laptop para ayusin ‘yung magiging flight ko kaso nahimatay ulit ako. Nag-try akong kausapin ‘yung mga pulis kahit hilong-hilo ako…Nahirapan akong kausapin sila kasi hindi ako marunong mag-Spanish, wala akong internet dahil ‘yung cellphone ko na may internet ay ninakaw,” chika niya.

Patuloy ni Francis, “Sabi ng mga pulis, ‘Hindi na namin kayo matutulungan, wala na ‘yan for sure’…Sabi nila, bumalik nalang ako sa iniistayan ko tapos gumawa ka ng paraan para makauwi sa bansa ko.”

Baka Bet Mo: Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!

@franciscandiyey Nanikaw lahat ng gamit ko 😭 #colombia #travel #colombia🇨🇴 #fyp #philippines #vlog #pinoyvlogger #foryou ♬ original sound – @franciscandiyey on IG

Sa pamamagitan naman ng YouTube, nagbigay muli ng update ang travel vlogger at doon niya ipinakita ang ilang marka sa katawan.

“Maraming nakalagay sa katawan ko na pang-ECG na para malaman ‘yung heart ko tapos kung hindi ako pumiglas ‘nun –kasi drinoga na ako tapos nilagyan pa ako ng pampatulog,” sambit niya.

Patuloy niya, “Kung hindi lang ako nakawala ‘nun, tiyak na kukunin na ‘yung kidney ko. Kasi imposible naman na kung na-ospital ako, papakawalan lang nila ako tapos hindi na sisingilin. Kaso hindi nila ako siningil.”

Dagdag niya, “Tapos sinasabi nila na possible daw na meron itong koneksyon sa iniistayan ko…hindi [kasi] na nila ako pinagbayad, sila rin nagbayad ng taxi ‘nung umuwi ako, so possible na isang sindikato itong lahat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling update ng social media personality, sinabi niyang nakabalik na siya ng Amerika matapos tulungan ng kanyang mga kaibigan.

“Thankful ako sa mga kaibigan ko na tumulong sa akin dahil I was left nothing noong nandoon ako sa Colombia,” saad niya sa latest TikTok video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending