Ama ni Taylor Swift iimbestigahan ng Australian police

Ama ni Taylor Swift iimbestigahan ng Australian police

Therese Arceo |February 27,2024
facebook
share this

Ama ni Taylor Swift iimbestigahan ng Australian police

Therese Arceo - February 27, 2024 - 03:58 PM

Ama ni Taylor Swift iimbestigahan ng Australian police

Taylor Swift

IIMBESTIGAHAN ng Australian police ang ama ng American singer-songwriter na si Taylor Swift dahil sa umano’y pananakit nito sa isang photographer.

Ayon sa naglalabasang ulat, nagreklamo ang nagngangalang Ben McDonald laban sa ama ng American singer matapos siyang saktan umano nito noong Martes ng madaling araw.

“Police have been told a 71-year-old man allegedly assaulted a 51-year-old man at Neutral Bay Wharf about 2:30 am (1530 GMT Monday), before leaving the location,”saad ng police spokesperson na si Alicia McCumstie sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, “The younger man reported the incident and inquiries are now under way by officers attached to North Shore Police Area Command.”

Baka Bet Mo: Anne Curtis nag-ala Taylor Swift sa bday prod, mga OFW ‘umuwi’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon kay Ben McDonald, ang ama ni Taylor na si Scott Swift ang umano’y nanakit sa kanya.

Matatandaang katatapos lang ng Eras Tour ng US Pop icon sa Sydney, Australia.

Ayon kay Ben, kinukunan raw niya ng larawan ang US pop icon sa isang “super yacht” sa Sydney Harbour matapos ang huli niyang four gigs sa Sydney.

Dagdag pa niya, ang mismong mga security personnel ni Taylor ang naglagay ng payong sa kanyang mukha para hindi nito makunan ng larawan si Taylor na naglalakad sa jetty papunta sa kanyang naghihintay na sasakyan.

Pagkaalis raw ng singer-songwriter ay may lalaking kumumpronta sa kanya sabay suntok sa kanya.

“I didn’t know who he was, but I looked at photos and saw him holding hands with Taylor, and it was her dad,” sey ni Ben.

Pagpapatuloy niya, “It was a shock. That’s never happened to me in 26 years,” saad niya.

Ayon naman sa tagapagsalita ni Taylor ay may mga taong nagpupumilit na makalapit sa singer.

“Two individuals were aggressively pushing their way towards Taylor, grabbing at her security personnel, and threatening to throw a female staff member into the water,” saad ng kanyang representative.

Samantala, wala naman itong inilabas na komento ukol sa alleged assault ng ama ng singer sa photographer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang abala si Taylor sa kanyang “Eras Tour” sa iba’t-ibang bansa.

Papunta na nga ito ngayong linggo sa Singapre dahil dito gaganapin ang next leg ng kanyang world tour.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending