Batang Quiapo, Linlang, Can’t Buy Me Love sunud-sunod ang mga pasabog
SUNUD-SUNOD ang pasabog ng mga primetime show ng ABS-CBN Studios sa pangunguna ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Ito’y magaganap nga sa pagbubukas ng bagong kabanata para ipagdiwang ang unang anibersaryo ng programa.
Naglabas ng kapana-panabik na trailer ang “FPJ’s Batang Quiapo” para sa bagong yugto kung saan tampok ang mga kaabang-abang na rebelasyon at mga panibagong karakter na makikilala ni Tanggol (Coco) sa pagsisimula niya ng bagong buhay.
View this post on Instagram
Nandiyan sina Tessie Tomas, Jaime Fabregas, Nonie Buencamino, Malou Crisologo, Elijah Canlas, Ara Davao, Dan Alvaro, Renz Fernandez, at Yce Navarro.
Baka Bet Mo: Gigi de Lana sunud-sunod ang naranasang kamalasan…naaksidente na, na-scam pa: ‘Grabe kayo, di na kayo naawa’
Tuloy-tuloy din ang selebrasyon ng “Batang Quiapo” dahil pinangungunahan ni Coco ang cast sa pag-iikot nila sa iba’t ibang parte sa bansa para pasalamatan ang mga Pilipino na taos-pusong tumatangkilik at nagmamahal sa programa. Susunod naman silang susugod sa Baguio ngayong March 2.
Samantala, gabi-gabi pa ring masusubaybayan ang mas intense at nakakakilig na Kapamilya primetime TV experience sa panonood ng bawat episode ng mga paboritong teleserye ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Mapapanood ang mga makapigil-hiningang eksena sa “Linlang: The Teleserye Version” kada 8:45 p.m. dahil nabuking na ni Victor (Paulo Avelino) ang panloloko sa kanya ng asawang si Juliana (Kim Chiu) kasama ang kapatid niyang si Alex (JM de Guzman).
Walang humpay na kilig naman ang hatid nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan) tuwing 9:30 p.m. sa “Can’t Buy Me Love” kung saan mas lumalalim na ang kanilang relasyon kasabay ng pagbabalik ni Annie (Ina Raymundo) sa kanilang buhay upang mabunyag ang katotohanan sa kani-kanilang nakaraan.
Baka Bet Mo: Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’
Good vibes din ang bawat weekend dahil mapapanood na ng back-to-back ang bagong season ng “The Voice Teens” (Sabado ng 7:15 p.m. at Linggo ng 7 p.m; weekends ng 7:15 p.m. sa TV5) at “I Can See Your Voice” (Sabado ng 8:45 p.m. at Linggo ng 8:30 p.m.; weekends ng 8:45 p.m. sa TV5).
View this post on Instagram
Samantala, may pagkakataon manalo ang viewers ng halos P1.5 million total prizes sa “Primetime Panalo.” Para sumali, kailangan nakatutok sa “FPJ’s Batang Quiapo,” “Linlang,” “Can’t Buy Me Love,” “The Voice Teens,” at “I Can See Your Voice” sa alinmang platform – Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, o iWantTFC, i-scan ang QR code na ipa-flash sa screen o maglog-in sa www.joinnow.ph/KOL, at i-submit ang sagot sa question of the day.
Pwede na ring makisaya ang viewers sa online tambayan sa live gap show sa Kapamilya Online Live na “Primetime Bayan,” kung saan gabi-gabing makakachikahan ang hosts na sina Melai Cantiveros at Jennica Garcia.
Huwag palampasin ang “FPJ’s Batang Quiapo,” “Linlang,” “Can’t Buy Me Love,” “The Voice Teens,” at “I Can See Your Voice” gabi-gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.