Gigi de Lana sunud-sunod ang naranasang kamalasan...naaksidente na, na-scam pa: 'Grabe kayo, di na kayo naawa' | Bandera

Gigi de Lana sunud-sunod ang naranasang kamalasan…naaksidente na, na-scam pa: ‘Grabe kayo, di na kayo naawa’

Reggee Bonoan |June 21,2023
facebook
share this

Gigi de Lana sunud-sunod ang naranasang kamalasan…naaksidente na, na-scam pa: ‘Grabe kayo, di na kayo naawa’

Reggee Bonoan - June 21, 2023 - 05:00 PM

Gigi de Lana sunud-sunod ang naranasang kamalasan...naaksidente na, na-scam pa: 'Grabe kayo, di na kayo naawa'

Gigi de Lana

INAALAT ang mang-aawit na si Gigi de Lana dahil sunud-sunod ang hindi magagandang pangyayari sa kanya ngayon.

Kamakailan lang ay naaksidente si Gigi kasama ang bandmates niya sa GG Vibes habang papuntang Norte para sa isang pagtatanghal mula sa Quezon Province.

Kahit may mga galos at masama ang pakiramdam ay itinuloy nito ang show pero hindi na nagawang tapusin ni Gigi ang kanta dahil nahilo na siya kaya’t inihinto ang show.

Nagpaalam sandali si Gigi na magpapahinga siya ng dalawang buwan pero hindi nangyari dahil kailangan pa rin niyang gumawa ng paraan para kumita para matustusan ang medical bills ng mama niyang may stage 4 cancer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


At heto na nga, kagabi ay ipinost ni Gigi ang mga larawang namamaga ang braso niya dahil muli siyang naaksidente at inaming na-scam pa.

Ang caption ng dalaga, “Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin.

“Ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana ‘yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng ‘get well soon po kay ma’am gigi’.

“Tapos after nu’n ninakawan na ako ng tuloy-tuloy hanggang sa maubos laman. Grabe kayo. Di na kayo naawa. Please wag kayo mang scam or magnakaw.

Baka Bet Mo: Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

“Nga pala ito itsura ko nu’ng after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still. Please let us be kinder sa isat isa,” mensahe ni Gigi.

Matindi ang pinagdaraanan ngayon ni Gigi kaya naisip niya na pati mga damit niyang nagamit at hindi pa ay pinabi-bid niya para sa gastusin ng ina tapos kung anu-ano pang sinasabi ng mga netizens.

Kung may mga humusga sa mang-aawit ay marami rin ang nagmamahal at nagpaparamdam ng suporta at pagbibigay ng panalangin sa kanya.

Tulad ng mga nabasa naming komento mula sa Facebook account niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Galing kay @Donnaira Labayen Corsame, “Sending hugs!”

Mula kay @Richard Alcoran Manlolo, “Get well soon ma’am. Praying for your fast recovery. God bless!

Galing kay @Udey Aranas Seludo, “Prayers and be strong. God is good.”

Sabi ni @Vanjoss Yvani MyLife , “Get well soon Gigi.”

Gayun din si @Juel Abelon Lopez, “get well soon idol Gigi De Lana …. may mga tao talagang gahaman .. kapwa filipino ang gumagawa.. masakit isipin na mga kpwa filipino ang gumagawa ng mga katarantaduhan sa kanilang kapwa… pray for your fast recovery idol ingat palagi and Godbless.”

Say ni @Mona Goya, “Pray for you ms gigi and to your mom.”

Ayon kay @Leng FulBanz, “Get well soon Ms. Gigi De Lana praying for you and your family. Be strong.”

Laban lang daw sabi ni @MiKo EdiacLa, “Laban Lang….ikaw yung magsilbing lakas ni mama moh . Pray Lang tayo ipaubaya mo Lang lahat Kay Lord. luv u

Payo ni @Senamroff Rey Vie, “Get well soon….kapit k lang lagi k Lord wag mong hayaan manghina k.. Malalagpasan mo lahat Yan pinatatag k nya s Mas malaking blessings n darating sau. GODBLESS you Gigi De Lana.”

Agarang paggaling din ang panalangin namin kay Gigi at sa mama niya.

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending