McCoy inalay ang 29th birthday kay Felize: Niligtas mo si Daddy!

McCoy inalay ang 29th birthday kay Felize: Anak, iniligtas mo si Daddy!

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

McCoy inalay ang 29th birthday kay Felize: Anak, iniligtas mo si Daddy!

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 12:57 PM

McCoy inalay ang 29th birthday kay Felize: Anak, iniligtas mo si Daddy!

Elisse Joson, McCoy de Leon at Felize McKenzie

MARAMING na-touch at na-inspire sa tagos sa pusong mensahe ni McCoy de Leon para sa kanyang mag-inang sina Elisse Joson at Felize McKenzie.

Nagdiwang ng 29th birthday ang Kapamilya actor nitong nagdaang February 20, at sa kanyang selebrasyon, nagbigay si McCoy ng madamdaming speech.

“Pinangako ko sa sarili ko pag nag-birthday ako, anak ko yung bida kasi niligtas niya ang buhay ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


“Para na rin akong ipinanganak dahil sa kanya. Utang na loob ko yung buhay ko sa kanya (Felize) ngayon. Siya yung dahilan (kaya) nandito pa din po ako ngayon sa harapan ninyo,” ang bahagi ng birthday message ni McCoy.

Baka Bet Mo: Elisse Joson umaming nagkabalikan na sila ni McCoy, wala pang planong magpakasal pero gusto pa ng 1 anak

Pagpapatuloy ng “Batang Quiapo” star, “Ayun, Felize, kung di mo pa naiintindihan, basta gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita.

“Niligtas mo si Daddy, binigyan mo ng chance si Daddy,” aniya pa.

Ito naman ang masasabi niya sa nanay  ng kanyang anak, “Sa partner ko, Elisse ko, thank you so much and I love you.

“Alam mo mahirap talaga pero sabi ko wala akong…wala nang rason para sumuko.

“Harapin natin nang sama-sama ‘to. Yun lang, I love you,” pahayag pa ni McCoy.

Samantala, nag-post din si Elisse ng maikling video sa kanyang Instagram page kung saan mapapanood ang mga naging kaganapan sa birthday celebration ni McCoy.

Kalakip nito ang message ni Elisse, “To our dear daddy McCoy, hi! It’s me wishing you a day full of precious time to enjoy, to rest, to stop and admire how far you’ve come.

“To appreciate little moments like this, to eat and feel good, to see life’s greatest blessings, to laugh and take it slow.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


“It’s me wishing you more days like this, dreams coming true and a happy, happy heart,” pahayag pa ni Elisse para sa kanyang partner.

Sa huling bahagi ng video, makikitang kumakanta si Felize ng birthday song para sa kanyang Daddy McCoy.

Baka Bet Mo: McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo

Bukod sa kanyang mga kapamilya, present din sa birthday ni McCoy ang mga kasamahan niya sa Hashtags na sina Nikko Natividad, Jimboy Martin, Luke Conde at Vito Marquez.

Matatandaang nagkahiwalay ang celebrity couple last year pero ipinagdiinan ni McCoy na walang third party on his part pati na rin kay Elisse.

“Wala pong involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.

“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat ng problema kaya po ako sumuko.

“Sana maintindihan niyo po ako. Ginagawa ko lang po to dahil mapakita ko lang sa anak ko na naipagtanggol kahit pa paano sarili ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Uulitin ko po humihingi rin po ako ng pasensya sa inyo lahat,” ang mensahe pa ni McCoy noong kasagsagan ng breakup issue sa kanila ni Elisse.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending