Bea natatapakan ang pagkalalaki ng mga nagiging dyowa

Bea natatapakan ang pagkalalaki ng mga nagiging dyowa kaya laging sawi

Ervin Santiago |February 20,2024
facebook
share this

Bea natatapakan ang pagkalalaki ng mga nagiging dyowa kaya laging sawi

Ervin Santiago - February 20, 2024 - 08:48 AM

Bea natatapakan ang pagkalalaki ng mga nagiging dyowa kaya laging sawi

Zanjoe Marudo, Dominic Roque, Bea Alonzo at Gerald Anderson

MARAMI ang naaawa at nagtatanggol kay Bea Alonzo sa mga nagsasabing nasa kanya raw talaga ang problema kaya palagi siyang sawi sa pag-ibig.

Ayon sa mga supporters ng Kapuso actress, feeling nila, hindi lang talaga keri ng mga lalaking nakakarelasyon ng dalaga ang kanyang strong personality.

May mga nagsasabi pa ngang dominante at possessive ang tingin nila kay Bea kaya hindi nagtatagal ang kanyang mga nagiging dyowa.

Parang ganyan din ang pananaw ng veteran entertainment columnist at TV-radio host na si Nanay Cristy Fermin sa kinahinatnan ng mga nasira at nagtapos na relationship ng aktres sa ilang kilalang personalidad.

Baka Bet Mo: Andrea Torres hindi kayang patawarin ang ‘cheating’, inaming nagiging kaibigan ang mga ex-BF

Ayon kay Nanay Cristy, parang natatapakan daw ng ex-fiancèe ni Dominic Roque ang pagkalalaki ng mga ex-dyowa niya, kabilang na sina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute” nitong nagdaang Linggo, February 18, napag-usapan nila ang tungkol dito.

“Ang sabi raw, ‘di ba, sabi n’yo sa amin kapag hindi malingap sa pamilya, lalo na sa ina, ang lalaki, mag-isip na ako. ‘Yun daw ang dahilan kung ba’t humiwalay si Bea kay Zanjoe.

Baka Bet Mo: Pia nakiusap na wag nang ireklamo ang pagkapanalo ni Miss Mexico: Nagiging sobrang toxic na…

“At bukod pa doon, ‘yung mga kuwento pa na nakakabawas sa pride ng lalaki. kahit kay Gerald, ‘yung si Bea ang gumagastos sa mga trip sa abroad,” sey ni Nanay Cristy.

“Na para bang dahil sa mapera itong si Bea Alonzo ay sunud-sunuran na lang ‘yung lalaki dahil wala nga silang ikakasa.

“Parang ‘yung kay Dominic din ngayon. Kaya vindicated ‘yong mga nakaraang karelasyon ni Bea,” ang mariing sabi pa ng online host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng co-host ng programa na si Romel Chika, ang nakakaloka lang sa isyung ito ay si Bea pa nga ang lumalabas na masama at may kasalanan kung bakit nauuwi lang sa hiwalayan ang kanyang pakikipagrelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending