Karina umalma sa chikang pera lang ang habol kay Manny Billiones

Karina Bautista umalma sa chikang pera lang ang habol kay Manny Billiones

Ervin Santiago |February 18,2024
facebook
share this

Karina Bautista umalma sa chikang pera lang ang habol kay Manny Billiones

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 12:55 PM

Karina Bautista umalma sa chikang pera lang ang habol kay Manny Billiones

Karina Bautista at Manny Billones

PARANG kuwento sa teleserye at pelikula ang love story ng Kapamilya actress na si Karina Bautista at ng boyfriend niyang si Manny Billones.

Mismong Valentine’s Day, February 14, nang ibandera ni Karina sa madlang pipol ang relasyon nila ni Manny, ang team captain ng Philippine men’s ice hockey team.

Kuwento ng aktres, nakilala niya si Manny habang sumasailalim siya sa  training ng paglalaro ng hockey at makalipas ang ilang buwan ay niligawan na siya ng binata.

Baka Bet Mo: Karina Bautista, Aljon Mendoza hindi maghihiwalay bilang loveteam: Marami pa kaming projects na gagawin

“Siya ang coach kasi ng national team, siya ang captain. So ‘yung women’s team siya ang nagte-train sa amin before that time. Tapos nagwa-warm up kami. So noong nagha-hockey ako, doon ko na siya nakilala sa ice rink,” simulang pagbabahagi ng dalaga sa “Magandang Buhay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karina Bautista (@karebautista_)


Sabi naman ni Manny, “I was like ‘wow she’s pretty. Why she’s playing hockey?’ Because I didn’t know what she did before. She could be model or something.”

At makalipas nga ang ilang buwang “getting-to-know-each-other” stage, niyaya na ng hockey player si Karina na makipag-date.

Actually, never in-expect ng dalaga na magiging boyfriend niya si Manny, “Noong una hindi naman ako attracted sa kanya, natatakot nga ako sa kanya, akala ko kasi snob siya.

Baka Bet Mo: Aljon Mendoza, Karina Bautista patutunayang #LoveWins kapag ipinaglaban ang tunay na pag-ibig

“Tinanong ko pa nga yung friend ko na, ‘Mabait ba yan? Kasi parang natatakot ako mag-hello kasi baka hindi ako pansinin,'” pag-amin ni Karina.

Rebelasyon naman ng atleta, attracted na siya agad kay Karina nu’ng unang beses pa lang niya itong nakita. Hindi rin siya aware na artista ang dalaga.

Sey ni Manny, “I was, like, ‘Wow, she’s pretty. Why she’s playing hockey?’ Because I didn’t know what she did before. She could be a model or something. Coz I don’t know anything about her at first.”

“Couple months later, I asked her for a date. It’s a funny story because that time I didn’t have any nice clothes so I had to go to the store so I was late to get her,” pag-alala pa ni Manny.

Chika naman ni Karina, “Na-late siya sa [first] date namin kasi wala daw siyang susuotin. Kaya ang tagal-tagal niyang dumating.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Billones (@mannybillones)


“Pero in the end naman, kumain kami sa labas and yun, parang nag-snacks muna and then nag-dinner,” sey ni Karina.

Papuri pa ni Manny sa kanyang girlfriend, “I’m proud of her because she’s so independent that I don’t have to always be with her because I’m busy as well.

“She’s really strong and she can take care of herself. But I’m always there if she needs me too,” sabi pa ni Manny.

One year na ang relasyon nina Karina at Manny pero hindi rin daw naging madali ang pinagdaanan nila. Grabe raw ang ginawang pamba-bash noon kay Karina ng ilang netizens na nakakaalam sa kanilang relasyon.

“Feeling po nila I am after Manny’s wealth sa comments because his name is Manny Billones. Ayun lang, may nagko-comment na I am after his money and I am after whoever is richer than him.

“Pero naman, I always remind him naman and alam naman niya yun na hindi totoo,” depensa ng dalaga.

Ito naman ang mensahe ni Karina sa kanyang dyowa, “Even na ganu’n yung nababasa mo sa comments, huwag mong isipin na totoo, kasi minsan mapu-persuade ka.

“Huwag na huwag kang makikinig at saka magre-react na rin kapag alam mong hindi naman totoo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, napapanood ngayon si Karina hit Kapamilya primetime series na “Can’t Buy Me Love” starring Donny Pangilinan and Belle Mariano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending