Ervic Vijandre napraning nang magka-COVID: Feeling ko mamamatay na ‘ko!
KAHIT mas malaking di hamak ang sweldo niya bilang artista, nangibabaw pa rin ang tawag ng serbisyo-publiko sa Kapuso actor na si Ervic Vijandre.
Huling napanood si Ervic sa hit Kapuso primetime series na “Black Rider” na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman kung saan magmarka rin naman ang kanyang kontrabida character.
Ayon sa aktor at public servant, hindi pa rin naman daw niya totally tatalikuran ang pag-aartista dahil naging malaking bahagi na ito ng buhay niya pero siyempre, ang top priority niya ngayon ay ang kanyang obligation bilang konsehal sa San Juan City.
View this post on Instagram
Nakachikahan ng ilang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Ervic sa pa-thanksgiving at Chinese New Year celebration ng Beautederm Corporation ni Rhea Anicoche Tan last February 10, sa Angeles City.
Baka Bet Mo: Coco naiinggit sa mga K-drama kaya mas lalong ginagalingan ang trabaho: ‘Kayang-kaya ring gawin yan na mga Filipino!’
Isa si Ervic sa mga celebrity ambassador ng matagumpay na beauty kingdom ni Ms. Rei na talagang nagtungo sa Angeles para makisaya sa Chinese New Year celebration at sa 1st anniversary ng Beautéderm Headquarters.
“Sa politics, well, sa public service, mas nandu’n ako sa public service kesa sa politics, mas nag-e-enjoy ako, yung pagseserbisyo.
“Actually, ang ipinangalan ko sa sarili ko du’n sa San Juan is ‘At Your Service.’ Kasi yung Service, nasa gitna ng Service yung pangalan ko, Ervic,” kuwento ng binata.
Gaano ba kahirap ang trabaho niya bilang konsehal? “Madali naman in a way, siyempre nandu’n yung masarap sa sarili mo na may nagpapasalamat sa yo.
“Pero siyempre, instrumento lang kami ng aming opisina, ng mga proyekto ng gobyerno para ma-implement sa mga tao,” tugon ng aktor.
Magkano ba ang suweldo ng isang councilor? “Tama lang. Mas malaki pa rin ang suweldo ng artista.”
Samantala, naikuwento rin ni Ervic ang naging karanasan niya noong tamaan siya ng COVID-19 matapos maging aktibo sa paghahatid ng tulong sa kanyang mga constituents.
View this post on Instagram
“Well, yung sinasabi nga na para akong sumugal ng buhay ko noong pandemya. Kasi, ako mismo ang naghahatid ng mga ayuda. Kasi di ba, bawal lumabas? Nagulat po ako, tinawagan ako ng kaibigan ko, na si Mayor (Francis Zamora) nu’ng time na yun.
Baka Bet Mo: Julia ayaw nang balikan ang araw nang magpaalam sa yumaong lolo; may inamin tungkol kay Claudine
“Sabi niya, ‘Ervic, tulungan mo akong mag-ano, mag-ikot tayo, mag-distribute tayo ng ayuda.’ Sabi ko, ‘Talaga ba? E, bawal daw lumabas, ah?’ ‘Hindi! OK lang yan, mag-vitamins lang tayo,’” aniya pa.
Pag-amin pa ng aktor, tatlong beses siyang nag-positive sa COVID, “Ako po kasi talaga ang lumalabas. Kumbaga, parang sinugal ko po yung… kasi nga, bawal lumabas.
“Ako ang lalabas para mag-distribute sa tapat ng bahay ng goods. Ang San Juan po ang pinakamaraming beses na nag-distribute ng ayuda, 17 times, kung hindi ako nagkakamali,” pagbabahagi pa niya.
Patuloy niya, “Ang matindi po, yung nerbiyos ko. Kasi iniisip ko, hindi natin alam ang COVID. So nu’ng nagka-COVID ako, nag-positive ako, akala ko mamamatay na ako. Nagpa-palpitate ako, nagtago ako.
“Sabi ko, ‘Walang lalapit sa akin! Mamamatay na ako!’ Ganu’n, nag-panic ako. Nag-panic po ako. Hindi natin alam kung ano yung COVID , e.
“Nasa bahay lang ako. Thankful din ako, malakas ang resistensya ko dahil athlete ako. Pero nawalan ako ng panlasa. Yun ang pinakanatakot ako. Sabi ko, nu’ng nag-positive ako…mamamatay na ako. Nagte-text na lang ako.
“Sabi ko, ‘Huwag kayong lalapit sa akin, baka madamay pa kayo.’ E kasi, di ba, namamatay ang mga tao?” ang pagbabalik-tanaw pa ni Ervic noong kasagsagan ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.