Julia ayaw nang balikan ang araw nang magpaalam sa yumaong lolo; may inamin tungkol kay Claudine
Marco Gallo, Julia Barretto, Marco Gumabao at Claudine Barretto
NANG ialok at mabasa ni Julia Barretto ang script ng fantasy-romance-drama na “Di Na Muli” na isinulat ni Noreen Capili ay tinanggap niya ito agad.
Gustung-gusto niya ang kuwento nito at hindi pa raw niya ito na-portray sa lahat ng TV series na nagawa niya noong nasa kabilang TV network pa siya.
“Di Na Muli” ang titulo ng bagong serye ng aktres kaya naman natanong siya sa zoom mediacon nitong Lunes kung sino at anong mga bagay ang “di na muli” niyang babalikan.
“Ako, I would have to agree with Marco (Gumabao, isa sa mga leading man niya sa show). I don’t believe in regrets and and I don’t believe in regretting anything especially if it brought you to where you are in life right now. And I’m pretty grateful for where I am right now, and happy and content.
“Siguro, ‘yung akin na lang is kung meron akong ‘di na muli na babalikan na moment or pangyayari sa buhay ko, siguro ‘di ko na babalikan ‘yung moment na kinailangan kong magpaalam sa lolo ko.
“Masakit ‘yun, eh. Masakit ‘yung kailangan mong magpaalam at mawalan ng mahal sa buhay,” balik-tanaw ng dalaga. Yumao ang lolo niyang si Miguel Barretto noong 2019.
At habang on-going ang zoom mediacon ay ka-chat namin ang ilang katoto at iisa ang sabi ng lahat, “Barretto talaga si Julia kahit saan anggulo mo tingnan pati pananalita, kamukha niya ang mga tita niya (Claudine at Gretchen).
In terms of acting ay mayroon naman talagang pagmamanahan si Julia gaya ng tiyahing si Claudine na mahusay na artista talaga kahit noong kabataan niya.
Pero para sa dalaga ay wala siyang nakuha sa tita Claudine niya dahil magaling talaga ito.
“Naku, nakuha, siguro, wala. Kasi nag-iisa lang siya, eh. Napakahusay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about it, I have always been a fan of her and of her works and of her projects and I really look up to her growing up as an actress.
“Pero again, siguro, when it comes to our craft, iba, we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte. Iba talaga siya,” diin ni Julia.
Trying to improve pa rin daw ang aktres para sa craft niya, “I try my best every day, everytime I’m given the opportunity, and I always try to be at my best and perform and deliver and I just want to make everybody around me proud and everybody who trusts me with a project proud and I think that’s always been the goal- to help breathe life into the character that I’m given,” sabi ng dalaga.
Samantala, gagampanan ni Julia ang karakter na Yanna Aguinaldo sa “Di Na Muli” bilang babaeng may abilidad na makita ang life span ng isang tao kapag nahawakan niya ang kamay kaya excited siya dahil nga iba-ibang ito sa mga nagawa niya.
Mapapanood ang “Di Na Muli” tuwing Sabado simula Set. 18, 8 p.m. sa TV5, Sari Sari sa Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30. Maaari rin itong mapanood Live at On-Demand via Cignal Play app.
Kasama ni Julia sina Marco Gumabao, Marco Gallo at Angelu de Leon mula sa direksyon ni Andoy Ranay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.