Dennis 'di naniniwala sa kasal pero nagbago nang sila ni Jennylyn

Dennis ‘di naniniwala sa kasal pero nagbago nang maging dyowa si Jennylyn

Ervin Santiago |February 18,2024
facebook
share this

Dennis ‘di naniniwala sa kasal pero nagbago nang maging dyowa si Jennylyn

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 09:00 AM

Dennis 'di naniniwala sa kasal pero nagbago nang maging dyowa si Jennylyn

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

HINDI naniniwala ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa kasal pero nagbago ang pananaw niya tungkol dito nang maging dyowa si Jennylyn Mercado.

Napakaraming changes na nangyari sa buhay ni Dennis mula nang magsama sila ni Jennylyn sa isang bubong at mas lalo pang naging solid ang kanilang relasyon nang magdesisyon silang magpakasal.

Ayon sa premyadong aktor, napakagandang impluwensiyang sa kanya ni Jennylyn kaya naman sinusuklian din niya ito ng pagmamahal at respeto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa bagong YouTube vlog ng broadcast-journalist at news anchor na si Karen Davila, maraming rebelasyon si Dennis tungkol sa married life nila ni Jen.

Baka Bet Mo: Herlene Budol nagbago ang isip, bet pa ring sumali sa beauty pageant: ‘Magpapatalino muna ako at magpe-pray’

Isa sa mga tanong ni Karen sa aktor, “Did you change in any way by being with Jen?”

“Malaki po. Malaki. Feeling ko, mas bumait ako. Mas nagkaroon ng direksyon ‘yong buhay ko. Dati kasi parang masyado akong happy go lucky. Wala akong masyadong plano,” tugon ni Dennis.

“Noong nakilala ko naman siya at noong ikinasal na kami, parang siya ‘yung nagpapalinaw nu’ng dadaanan ko,” dugtong ng aktor.

At dito na nga inamin ni Dennis na hindi raw talaga siya naniniwala sa kasal noon pero nang dahil sa pagmamahal niya kay Jennylyn, nag-propose siya sa Kapuso Ultimate Star at niyaya itong magpakasal.

“Isang way rin ‘yun para mapatunayan ko sa kaniya at sa mga tao ‘yong pagmamahal ko sa kaniya. Kaya kong baguhin ‘yong mga paniniwala ko na ‘yon para sa isang special na tao,” sabi pa ni Dennis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey naman ni Jen, talagang natagalan bago sila ikinasal ni Dennis dahil hindi nga nagpo-propose ang kanyang asawa.

Reaksyon naman ng aktor, napakasagradong bagay daw kasi ng  kasal na kapag pinasok mo na ay wala nang atrasan pa. Super agree naman si Jennylyn sa sinabi ng kanyang mister.

Sa isang panayam sinabi ni Dennis na never niyang bibigyan si Jennylyn ng dahilan o rason para magselos o magalit sa kanya.

Baka Bet Mo: Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na ‘ko

Yan ang siniguro ng premyadong aktor nang mapag-usapan ang tungkol sa pagpaparamdam ng mga ex sa dati nilang mga karelasyon.

Para kay Dennis, past is past na kaya hindi niya nakikita ang sarili na mai-involve sa kanyang mga ex na muling nagpaparamdam, lalo pa’t may asawa na siya.

“Kung nasa relasyon na ‘ko ngayon, ibig sabihin ‘yun na ‘yung gretaest love ko, eh. Ganoon akong tao so wala naman akong greatest love kundi doon sa current na asawa ko, sa karelasyon ko ngayon,” katwiran ng aktor.

Dagdag pa niya, “Sa tingin ko, kung sakaling may bumalik man na ex, wala na ‘yung pagkakataon dahil mahirap na mapasok sa gulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko na maa-afford na magdagdag pa ng problema sa buhay ko. ‘Yun ‘yung mangyayari kaya sorry ka na lang, kung sino ka man,” mariin pang sabi ni Dennis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending