BUKOD sa pinaplanong entry para sa Metro Manila Film Festival 2024, inaabangan na rin ng fans ang reunion movie nina Sen. Bong Revilla at Sharon Cuneta.
Wala pang maibigay na mga detalye ang actor-public servant tungkol sa naturang proyekto pero wishing and hoping siya sa muling pagtatambal nila sa big screen ng nag-iisang Megastar.
Pero ang sure na sure na raw ay ang pelikulang pagsasamahan nila ng Kapuso daytime drama princess na si Jillian Ward.
Ayon kay Sen. Bong, talagang kakaririn niya ang makapag-produce uli ng mga pelikula ngayong 2024 para makatulong kahit paano sa muling pagbangon ng movie industry.
Baka Bet Mo: Diego Loyzaga naloka sa paggamit ng plaster sa sex scenes; Franki Russel walang kaarte-arteng nagpasilip ng boobs
“As I said, digital na ngayon, di ba? Iba na, iba na. Especially now. Yun ang kalaban ng television, ‘no, may mga Netflix na.
“Yung pelikula, binubuhay din natin. Kaya yun ang pinagtutulung-tulungan natin, kung paano tayo makakatulong in our own little way. Like movie, I’m producing a movie, pantulong naman,” paliwanag ng action star.
Dalawang pelikula ang susubukan niyang matapos this year para sa pag-aari nilang Imus Productions. Sey ng senador, “Sana kayanin, ‘no? Ang nangyayari, imbes na magbakasyon ako, nagtatrabaho na ako. Okay lang naman.
“Kapag mahal mo yung trabaho mo, parang hindi ka naman napapagod, e. Kasi, para ka lang naglalaro, di ba?” aniya pa.
Baka Bet Mo: Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita
Meron ba siyang dream role na hindi pa niya nagagampanan sa ilang dekada niya sa showbiz, “Halos nagawa ko na lahat, di ba? Siyempre kung ano rin ang babagay sa image ko.
“Pero I’m open kahit na anong role ang i-offer sa akin,” sabi ng husband ni Lani Mercado.
Sundot na tanong kay Bong, may chance ba na gumawa rin siya ng pelikula na pam-Vivamax o medyo sexy and daring, “Ay! Ginawa ko na yan! Nagpakita na ako dati! Ha-hahaha!”
Ang tinutukoy ng Titanic Action Star ay ang kanyang butt exposure sa love scene nila ni Assunta de Rossi sa pelikulang “Kilabot at Kembot” na ipinalabas noong 2002.
Hirit pa niya, “Once is enough! Kung saan-saan pa lumabas yon. Kahit na mas maganda yung puwet ko ngayon, ayoko na! Ha-hahaha!”
* * *
Kamakailan ay pormal na ipinakilala ng CC6 Online Casino ang first celebrity ambassador nilang si Rhen Escaño ng Viva Artist Agency.
Swak nga raw ang mga charity projects ng CC6 para kay Rhen na marami ring adbokasiyang ipinaglalaban. Sabi ng aktres, tinanggap niya ang offer ng kumpanya dahil hindi lang daw ito basta online casino.
Baka Bet Mo: Pagpapakita ng pwet ni Marco Gallo kinontra: Bakit ayaw nila? Gusto ko!
Naniniwala rin daw siya sa layunin nitong magbahagi o magbigay ng tulong sa mga komunidad lalo na sa mga nangangailangan ng tulong.
Bilang bahagi ng ikatlong taon nito, mamimigay ang kumpanya ng mahigit P10 billion funding anniversary sa lahat ng players, members at sa iba pang komunidad.
Ang “Helping the Community” ay bukas sa lahat upang matulungan ang mga kababayan nating nakaranas ng matinding unos at kalamidad at malaking pagbaha sa Davao Del Norte.
Maraming mamamayan ang nawalan ng kabuhayan kaya agarang rumesponde ang CC6 at JAF Digital para magbigay ng tulong sa pangunguna ng Marketing and PR Partner nitong si Jev A. Frago na nanggagaling pa sa Manila at pumupunta ng Davao Del Norte para mamahagi lamang ng ayuda.
Kasama ang military volunteer na si Miriam Oligario, LGU ng Asuncion at iba pang volunteers na sina Jheloivy Albiso, Gerly Mae Atienza, Gloria Albiso, Leonila Paragoso, John Nataniel Talili, Dave Fabay at si Harvey John Talili, naging matagumpay ang ginawa nilang charity works.