‘Rewind’ ng DongYan 'highest-grossing PH film of all time' na

‘Rewind’ nina Marian at Dingdong ‘highest-grossing PH film of all time’ na

Pauline del Rosario - January 28, 2024 - 01:40 PM

‘Rewind’ nina Marian at Dingdong 'highest-grossing PH film of all time' na

PHOTO: Instagram/@marianrivera

GUMAWA ng bagong kasaysayan ang “Rewind,” ang Metro Manila Film Festival (2023) official entry ng real life celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes!

Nakuha na kasi ng pelikula ang titulong “highest-grossing Filipino film of all time!”

‘Yan ay matapos itong kumita ng P899 million sa worldwide box-office sales, as of January 26.

Ayon sa Star Cinema, natalo na nito ang pinagtatambalang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na mayroong P880 million in global gross.

Baka Bet Mo: ‘Maid In Malacañang’ pasok bilang 3rd highest-grossing ‘Pinoy movie of all time’, kumita na ng P650-M

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)

Kung matatandaan, unang gumawa ng kasaysayan ang “Rewind” nang maging “highest-grossing film in Philippine domestic sales” ito na nakabenta ng P815 million noong January 17.

Natalo rin nito that time ang nasabing 2019 movie nina Kath at Alden na kumita ng P691 million sa mga lokal na sinehan.

Inaasahan na lalaki pa ang magiging kita ng DonYan film dahil kasalukuyan pa itong ipinapalabas sa mahigit 270 cinemas sa ating bansa, pati na rin sa United Arab Emirates, United States, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Guam at Saipan.

Nauna nang sinabi ng mag-asawa na ang nais nila sa kanilang pelikula ay magsilbing regalo sa kanilang fans.

“Aside from providing quality entertainment, it’s also a platform to bring people together, bring families together, for families to talk about mga ganitong klaseng kwento papaano ba sila na-inspire, and hopefully kahit papaano makapagbigay saya kami sa panahon na ito,” sey ni Dingdong.

Dagdag naman ni Marian, “Alam mo kung ano ‘yung pinaka unique dito, kung ano ‘yung magiging impact nito pagkatapos nila mapanood, doon kami very excited ng asawa ko, kung ano ‘yung maibibigay ng pelikulang ito sa bawat pamilya.”

Ang “Rewind” ang nagsisilbing reunion and comeback movie ng DongYan after 13 years. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa nakaraang presscon ng naturang MMFF entry, sinabi ni Marian na dream project niya ito. 

“Kahit nu’ng mga draft ‘yung pinapanood namin, tapos pinapanood nila sa akin. Sinasabi ko kay Dong, ‘dad totoo ba to?’ kasi hindi nag sisink in sa’kin na ito na ba yun? Nakaka-proud na nakagawa ako ng isang pangarap kong pelikula,” ani niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending