Pagpapakita ng pwet ni Marco Gallo kinontra: Bakit ayaw nila? Gusto ko! | Bandera

Pagpapakita ng pwet ni Marco Gallo kinontra: Bakit ayaw nila? Gusto ko!

Ervin Santiago |September 19,2021
facebook
share this

Pagpapakita ng pwet ni Marco Gallo kinontra: Bakit ayaw nila? Gusto ko!

Ervin Santiago - September 19, 2021 - 08:52 AM

Marco Gallo at Aubrey Caraan

IPAGLALABAN ni Darryl Yap sa mga bossing ng Viva Films na ipalabas at huwag putulin ang butt exposure ng young actor na si Marco Gallo sa bago niyang pelikulang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.”

At mismong si Marco na rin ang nagsabi na sana’y hindi “ma-censor” ang pagpapakita niya ng pwet sa pelikula dahil sayang naman ang effort at lakas ng loob na inipon niya para lang sa nasabing eksena.

“Bakit ayaw nila? Gusto ko!” ang tawa nang tawang chika ni Marco nang malamang tutol daw ang Viva Artists Agency (VAA), ang talent management na nangangalaga sa kanyang showbiz career, sa pagpapasilip niya ng pwet.

Sabi ni Direk Darryl, “May butt exposure si Marco. Ipinaglalaban ko pa kina Boss Veronique (del Rosario-Corpus, head ng VAA). Ayaw nila, pero inilalaban ko.

“Baka puwede nating ipakita natin sa tao yung butt exposure. Naliligo siya tapos yung kamera sumusunod sa bula, e, pumunta sa behind ni Marco. So, abangan niyo. Hindi rin handa si Aubrey (Caraan, leading lady ng aktor) diyan sa eksenang ‘yan,” sey pa ni Darryl sa virtual mediacon ng “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.”

Hirit naman ni Marco sa pahayag ng kanilang direktor, “Ipa-viral natin. Sabihin natin, ‘Viva, huwag ninyong i-scene drop.’” 

Dagdag pang kuwento ni Darryl, “Kinausap ko si Marco kung paano sila maligo sa Italy, naked daw. Ang Europeans daw, mostly ganoon maligo and they don’t care talaga kasi medyo hindi malisyoso ang mga tao doon.

“Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-plaster. Huwag na raw dahil masakit pa at may maglalagay pa,” sey pa ng direktor.

Magsisilbing launching movie ng loveteam nina Marco at Aubrey ang pelikulang, “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso”. Aminado ang dalawa na mas naging close sila habang nagsu-shooting sa Siquijor. 

In fact, hinding-hindi raw nila malilimutan ang bonding moments nila sa napakagandang beach na matatagpuan sa mystical island ng Siquijor kung saan kinunan ang kabuuan ng pelikula.

Pagbabahagi ni Marco, “We talked a long time until 3 a.m. I took her by the beach, I remember that. We had such a long talk and we bonded.”

Sey naman ni Aubrey, “Very straightforward si Marco. Masaya ako dahil nag-share siya sa akin ng personal life niya.

“Doon lang kami naging close kahit nagka-work na kami before sa isang television series. Mas nakilala ko si Marco sa pag-uusap namin na ‘yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m very happy to work with Marco. Magaan siya katrabaho, hindi niya ako pinabayaan sa mga eksena,” dagdag ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending