John Prats inakalang mahinhin si Isabel Oli: Sobra palang baliw, sira-ulo

John Prats inakalang mahinhin si Isabel Oli: Sobra palang baliw, sira-ulo

Isabel Oli at John Prats kasama ang 3 nilang anak

NOONG nililigawan pa lang ni John Prats ang dating Kapuso actress na si Isabel Oli ang buong akala niya ay isa itong mahinhin na babae.

Yan ang natatawang rebelasyon ng actor-direktor tungkol sa pinakamamahal niyang asawa nang matanong tungkol sa mga discoveries nila sa isa’t isa mula nang sila’y magpakasal.

Ayon kay Pratty, napakaswerte niya na nagkaroon siya ng misis na tulad ni Isabel dahil hindi lang daw ito mabait at maasikasong asawa kundi napakabuti at napakagaling ding nanay.

Baka Bet Mo: John Prats pinatunayang ‘may forever’ kay Isabel Oli: Sa hirap at ginhawa ikaw ang aking makakasama

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay John last Friday, inamin ng direktor na mahinhin daw ang kanyang wifey noong nililigawan niya.


“Before ko siyang ligawan akala ko mahinhin. Nagtagal ‘yung relasyon namin, sobra siyang baliw and siraulo (sa mabuti at nakatutuwang paraan),” ani John.

“Sabi ko, from then on…okay ito kasi siyempre I’m gonna spend my whole life with this person. Never boring,” aniya pa.

Hirit naman ni Isabel patungkol kay John, “Seryoso pala siya. Kasi parang chickboy ‘yung dating niya kasi.”

Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz, Isabel Santos magkasama sa Italy, aamin na ba?

“Puwede bang searching?” ang sey naman ni John. “And sometimes tiring. And I’m thankful that dumating ka (Isabel),” dagdag ni John.

Papuri ni Isabel sa kanya, “Seryoso and really sincere.”

Ayon sa celebrity couple, hindi talaga biro ang pag-aasawa at napakaraming challenges ang kailangang pagdaanan.

“Everyday may bagong pagsubok. Moving and moving forward and we’re discovering things. Minsan mahirap, siyempre wala namang madali. Even sa parenting,” pahayag ni John.

“Sabi ko nga, pinahiram lang sila sa amin ng Diyos, and it’s our responsibility na palakihin sila at alagaan sila hanggang lumaki sila,” aniya pa.


May mga pagkakataon din na nakaka-experience sila ng “low moments” sa kanilang relasyon. Sey ni Isabel, “Yeah meron talaga. Sabi ko nga, it’s not really perfect, we choose always love. And to forgive agad.”

“Set ego aside si Liv (palayaw ni Isabel) talaga ‘yung pinaka-forgiving na tao,” pahayag ni John about his wife.

Narito ang mensahe ni Pratty kay Isabel, “Thank you. Kumbaga ‘yung ilang years natin hindi naging perfect.

“But I’m always thankful and blessed that you stayed, na pinipili mo kaming mga anak. And thank you for supporting me dahil sa hirap ng mga ginagawa ko, especially when it comes with directing, mas nararamdaman kong nag-e-excel ako kasi nasa likod kita.

“At alam kong grabe ang suporta mo sa akin. I will always choose you, even sa next life,” sey pa ni John.

Ito naman ang message ni Isabel sa kanyang loving husband, “I know hindi talaga siya perfect, but let’s just try to have a perfect story.

“Noong sinabi ko sa vows natin before na I will be forever na defender mo sa social media bashers, ganu’n pa rin hanggang ngayon. I’m always here for you.

“Hindi man tayo always happy, pero we choose love always. And thank you sa patience mo and sa love and sacrifice mo para sa amin, sa kids mo. I love you even sa next life,” lahad pa ni Isabel.

Matatandaang ikinasal sina Isabel at John sa Batangas noong 2015. Ang gusto ng dating aktres, mag-renew sila ng wedding vows ni John every five years.

Read more...