MALAKING factor ang pagiging sobrang istrikto ng tatay ni Baron Geisler sa kanyang pagrerebelde hanggang sa mapariwara nga ang kanyang buhay.
Aminado ang award-winning actor na minasama niya ang ginagawang pagdidisiplina sa kanya ng kanyang ama pati na rin sa kanyang mga kapatid.
Pero sey ni Baron, marami rin siyang natutunang aral mula sa kanyang yumaong amang si Donald David Geisler Jr., na isang German American, na hanggang ngayon ay baon-baon niya.
Sa isang video kung saan mapapanood ang pag-uusap ni Baron at ng kapwa niya award-winning actor at dating child star na si Jiro Manio, nabanggit ang tungkol sa kuwento ng pelikulang “Doll House”.
Baka Bet Mo: Richard bilang tatay ni Juliana: Hindi naman ako istrikto na namamalo, I’m more of ‘makuha ka sa tingin’
Ang naturang movie ay naging number one sa listahan ng mga Top 10 Netflix movies noong 2022 kung saan nanalo pa si Baron ng Asia’s Best Actor in a Lead Role sa Thailand International Leadership Awards 2023.
Tanong ni Jiro kay Baron, “Paano mo inatake ‘yong role?”
“Parang hindi na yata ako umarte doon, e. I played Rustin as Baron Geisler na dinagdagan ko na lang ng, ‘Ah, okay. Anak ako ng general.’
“Tatay ko naman kasi halos parang general din, e. Military man. Isa rin ‘yon sa mga rason kung bakit ako napariwara, e.
“‘Yung pagiging sobrang strict ng magulang ko. Kaya rin siguro si Rustin ‘yong pag-atake ko sa kanya is a rebellious lost soul,” pahayag ng Kapamilya actor.
Kuweto pa ni Baron, nu’ng nagsu-shooting daw sila sa Netherlands, hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niyang pag-atake sa kanyang karakter.
Baka Bet Mo: Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?
Basta dapat kapag sinimulan na ng kanilang direktor na si Marla Ancheta ang pagkuha sa kanilang mga eksena dapat alam na ng lahat ang kanilang dialogue.
“Noong pinanood ko bro, noong in-edit na nila, magic. Naiyak na lang ako kasama ng misis ko.
“Wow, ngayon ko lang naintindihan ‘yong magic ng editing and trusting my director,” ang namamanghang sey ni Baron.
Sa isang panayam sinabi ng aktor na ang natutunan niya sa pagganap bilang Daddy Rustin sa movie ay, “I learned that life is too short and I cannot turn back time. All I can do is be in the moment and cherish that moment, every single moment, with my child Yumi (Althea Ruedas).
“As a father naman, personally, that’s what I do. When I have work, when I’m here in Manila, I video call my daughter, the kids, the boys, to check up on them.
“Kasi family comes first, work, second. Of course we do need to provide. But being present, is the most important thing in a relationship or in a family,” sabi pa ni Baron Geisler.