Daniel type rin ng mga nanay, wag sanang makabuntis at mapariwara | Bandera

Daniel type rin ng mga nanay, wag sanang makabuntis at mapariwara

Julie Bonifacio |February 05,2014
facebook
share this

Daniel type rin ng mga nanay, wag sanang makabuntis at mapariwara

Julie Bonifacio - February 05, 2014 - 05:00 AM

 

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Another male actor na pinagkakaguluhan at tinitilian ngayon ay si Daniel Padilla. Hataw din sa endorsements si Daniel. May gigs pa siya around the country at katatapos lang ipalabas ng dalawa niyang pelikula.

On television naman isa rin sa top-rating shows ang teleserye nila ni Kathryn Bernardo na Got To Believe sa primetime ng ABS-CBN. Magkakilala na ulit sina Joaquin (Daniel) at Chichay (Kathryn) at mapapanood this week ang mga eksenang magbabalik ng ngiti sa mga labi nila pati sa televiewers. Gabi-gabing tutukan ang Got To Believe.

Last Jan. 30 ay pumirma na rin ng bagong kontrata sina Daniel at Kathryn sa ABS-CBN. At bahagi ng kontrata nila ang paggawa ng pelikula sa Star Cinema. Unang movie na gagawin nila ang “She’s Dating the Gangster” mula sa bestselling book ni Bianca Bernardino published by Summit Media.

Ibang klase talaga ang magic ni Daniel, hindi lang mga kabataan ang nagkakandarapa sa kanya, gustung-gusto rin siya ng mga magulang dahil sa pagiging role model sa kabataan. Sana raw huwag syang matulad sa ibang kabataang artista na nakakabuntis at napapariwara pag yumaman at sobrang sikat na sikat na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending