John Prats, Isabel Oli mala K-Drama ang 11th anniversary: We always choose love!
NAGPAKILIG ang mag-asawang Isabel Oli at John Prats sa pagdiriwang ng kanilang 11th anniversary bilang mag-partners.
Sa Instagram posts ng couple, mala K-Drama ang peg ng kanilang short video kung saan ibinandera nila ang kanilang sweet moments habang nagbabakasyon sa Japan.
Si John, sweet but short message ang ibinandera sa caption na nagpapasalamat sa pagmamahal na ibinibigay ng kanyang misis.
Kasabay rin niyan ay humingi siya ng sorry dahil daw sa katigasan ng kanyang ulo.
“Happy 11th wifey! Thank you for Loving us sooo much,” caption ng actor-director.
Ani pa niya, “Minsan pagpasensyahan mo na katigasan ng ulo. I appreciate you and i love you sooo much! Cheers [emoji].”
Baka Bet Mo: John Prats pinatunayang ‘may forever’ kay Isabel Oli: Sa hirap at ginhawa ikaw ang aking makakasama
View this post on Instagram
Mababasa naman sa post ni Isabel ang kanyang mahabang mensahe na chinika ng kaunti ang pinagdaanan nilang mag-asawa.
“The day I said yes and became his girlfriend 11 years ago,” sey niya sa IG post.
Patuloy niya, “Our story may not be perfect, but I believe it is perfect for us. We had a lot of wonderful times. Aaaand lots of challenges, but we always choose love.”
“Every day, we thank God for His love for us, guidance, and grace [folded hands emoji],” wika pa niya.
Mensahe niya, “Cuff @johnprats, you bring so much love and joy into my life, and I’m grateful for you and every moment we share. You will always be my crush [smiling face with hearts]. Love you po… Happy 11th po [smiling face with heart eyes emoji].”
View this post on Instagram
Sina Isabel at John ay ikinasal noong 2015, at nakatakda nilang ipagdiwang ang ika-8th anniversary bilang mag-asawa sa darating na May 16.
Tatlo na ang anak nila na sina Lilly Feather, Daniel Freedom, at Lilla Forest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.