John Prats ring bearer sa kasal nina Angelica at Gregg

John Prats ring bearer sa kasal nina Angelica at Gregg: Sobrang saya!

Ervin Santiago |April 21,2024
facebook
share this

John Prats ring bearer sa kasal nina Angelica at Gregg: Sobrang saya!

Ervin Santiago - April 21, 2024 - 04:15 PM

John Prats ring bearer sa kasal nina Angelica at Gregg: Sobrang saya!

John Prats, Gregg Homan at Angelica Panganiban

SUPER happy ang actor-director na si John Prats na naging bahagi siya ng  kasalan nina Angelica Panganiban at Gregg Homan dito sa Pilipinas.

Unang ikinasal sina Angelica at ang negosyante niyang mister sa Los Angeles, California noong December 2023. Biniyayaan sila ng isang anak, si Baby Sabine.

Ayon kay John, talagang naglaan sila ng oras para na-witness nang personal ang beach wedding ng kanyang kaibigan at ni Gregg na ginanap sa Siargao kahapon, April 20.

Baka Bet Mo: Angel sasabak na sa pagda-diet: Please bear with me and wish me good luck!

Naging close sina John at Angelica nang magsama sila sa dating comedy show ng ABS-CBN na “Banana Sundae.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si John ng ilang litrato na kuha sa naganap na wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)


Dito ibinandera nga niya ang pagiging ring bearer nina Angelica at Gregg.

Ang caption ni John, “To my Pets! Sobrang saya naming lahat para sa inyo ni @gregg_homan.

Baka Bet Mo: Kasalang Derek-Ellen wala nang atrasan, namigay na ng invitation sa mga ninong at ninang

“Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo! Mabuhay ang bagong kasal!

“It was an honor na naging ring bearer nyo ako. Love you @iamangelicap and @gregg_homan,” aniya pa.

In fairness, star-studded ang kasalang Angelica at Gregg. Present din sa big event ng mag-asawa ang mga close friends nilang sina Kim Chiu, Bela Padilla at Glaiza de Castro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naroon din sina Ronnie Lazaro, Ketchup Eusebio, Eugene Domingo, Agot Isidro, Judy Ann Santos, Maxene Magalona, Anne Curtis, Isabel Oli, Ryan Agoncillo, Cherry Pie Picache, Smokey Manoloto at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending