Carla Abellana may hugot: People can be so mean
TILA naglabas ng saloobin ang Kapuso actress na si Carla Abellana hinggil sa mga negatibong komento na ibinabato sa kanya ng madlang pipol.
Kamakailan ay nag-trending ang Kapuso actress matapos siyang talakan ng mga netizens kaugnay sa kanyang mga ibinibentang pre-loved items.
Matatandaang nito lang nang i-launch niya ang Carla Abellana’s Closet kung saan niya ipinopost ang “Shop brand new, never-been-used and pre-loved items” na galing sa kanyang closet.
Ngunit imbes na mga potential buyers ay dinagsa ng mga bashers ang kanyang IG page dahil sa mga hindi magagandang bagay na napansin ng mga netizens sa kanyang mga ibinebenta.
Ang ilan ay tinawag pa na “dugyot” si Carla dahil sa maduming mga suwelas at hindi kaaya-ayang larawan ng mga pre-loved items na kanyang ibinebenta.
Bukod pa rito ay “overpriced” daw ang presyo at may ibang netizens na nagsasabing may nabili raw ang aktres na item on sale pero mas mahal niya itong ibinebenta ngayon.
Baka Bet Mo: Carla Abellana inokray sa for sale na pre-loved item, dugyot daw?
View this post on Instagram
Wala namang pahayag si Carla hinggil sa isyu pero tila may hugot ito sa kanyang Threads account.
“People can be so mean. So mean,” saad ng aktres.
Marami namang supporters ang nagbigay ng comfort kay Carla.
“Di na mawawala mga negastars na yan mam..salamat ng marami sa pag tulong mo sa mga abused and rescue animals. Bayani ka honestly,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Hayaan mo po sila Ms. Carla. Dami po talaga perfect na di na nila maintindihan ang ‘Preloved’ na term.”
“Never waste your time on bashers. Bashers are always going to bash. There is NO reasoning with them. The more you make sense, the more it fuels them to hurt you. Focus and pay attention only to those who support and love you,” sey naman ng isa.
Habang sinusulat namin ang istoryang ito ay wala pa ring pahayag si Carla ukol sa kanyang mga pre-loved items for sale.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.