Aga sa kambal na anak: Muntik nang magpari at magmadre

Rebelasyon ni Aga kina Andres at Atasha: Muntik nang magpari at magmadre

Ervin Santiago |February 08,2024
facebook
share this

Rebelasyon ni Aga kina Andres at Atasha: Muntik nang magpari at magmadre

Ervin Santiago - February 08, 2024 - 08:00 AM

Rebelasyon ni Aga kina Andres at Atasha: Muntik nang magpari at magmadre

Aga Muhlach, Andres, Atasha at Charlene Gonzales

LAUGH trip ang nakakalokang chikahan ng award-winning actor na si Aga Muhlach at ng TV host-comedian na si Luis Manzano.

Si Aga ang special guest ni Luis sa latest episode ng kanyang YouTube vlog kung saan napag-usapan nila ang mga kaganapan sa kanilang personal life at career.

Sa isang bahagi ng video ay napagkuwentuhan nga nila ang kambal na anak nina Aga at Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres Muhlach.

Ninong pala ng Muhlach twins si Luis at inamin niya sa madlang pipol na wala raw siyang kakuwenta-kuwentang ninong.

Baka Bet Mo: Andres, Atasha isasabong na ng ‘E.A.T.’ kina Cassy at Mavy ng ‘Eat Bulaga’: Battle of the twins yarn!?

“Para sa kaalaman ng lahat, noong nakita ko si Tito Aga natuwa ako. ‘Tito Aga ‘yan! Pumupunta ako sa bahay niyan dati.’

“Pero na-realize ko, wala akong kuwentang ninong,” rebelasyon ng husband ni Jessy Mendiola.

Patuloy pa niya, “Wala akong kakuwenta-kuwentang ninong. Bakit? Ninong ako ng twins ni Kuya Ags pero ni minsan wala silang naramdaman mula sa akin!”

Hirit naman ni Aga, “Hindi, hindi. Alam mo ‘yung mga anak ko, si Andres at si Atasha, ‘di ko naman ine-expect ‘yung regalo kasi nanay mo naman si Vilma (Santos), ‘di ba?”

Tawang-tawa naman si Luis sa tinuran ni Aga na nag-dialogue uli ng, “Biro lang po, biro lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)


“Alam mo, muntik nang magpari anak ko at muntik nang magmadre ‘yung babae ko,” pagpapatuloy pa ni Morning (palayaw ni Aga).

Baka Bet Mo: Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

Mabilis namang sagot ni Luis, “‘Yun ang nakuha nila sa akin!”

“Sobrang bait nito. Para ‘tong anghel,” ang papuri ni Aga kay Luis.

Muling hirit ng komedyante at TV host, “Doon n’yo malalaman na talagang ka-close kami ni Tito Aga!”

Okay na okay naman kay Aga ang pagpasok ng mga anak nila ni Charlene sa mundo ng showbiz.

Kasalukuyang napapanood si Atasha sa longest-running noontime show sa Asia na “Eat Bulaga” habang si Andres naman ay pinaniniwalaan na ring sasabak sa pag-arte at pagho-host.

Sa katunayan, may “agawan” na ngang nangyayari sa Dabarkads na si Ryzza Mae Dizon at kay Vice Ganda ng “It’s Showtime.”

Ipinagsisigawan ni Ryzza sa buong universe na super crush niya si Andres habang gusto naman ni Vice na maging bahagi ng kanilang noontime show ang kakambal ni Atasha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan na lang natin kung sino sa kanila ang magwawagi!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending