Hirit ni Janice, kawalang-respeto ang pagiging late

Hirit ni Janice, kawalang-respeto ang pagiging late: OA kasi ako sa time!

Ervin Santiago - February 06, 2024 - 08:15 AM

Hirit ni Janice, kawalang-respeto ang pagiging late: OA kasi ako sa time!

Candy Pangilinan, Gelli de Belen at Janice de Belen

KUNG lahat ng artista ay tulad ni Janice de Belen na super professional, siguradong walang magiging problema ang production.

Sa ilang dekadang pamamayagpag ng award-winning actress sa mundo ng  showbiz, marami na ring pinagdaang problema at pagsubok si Janice sa pagiging artista.

Sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, ibinahagu ni Janice ang mga mahahalagang aral na  natutunan niya sa pagiging aktres.

Baka Bet Mo: Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Unang-una na raw diyan ang pagrespeto sa oras kaya naman hangga’t maaari ay hindi siya dumarating ng late sa taping o shooting ng mga ginagawang proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


“Discipline. Listening. And coming on time,” ang ilan sa mga pinaiiral ng veteran actress sa kanyang trabaho.

“Medyo OA ako pagdating sa time. Kahit na noong bata ako, my 8 a.m. on the set will always be 7:30.

“There are times naging 7 o’clock pa ‘yan. Kasi takot na takot akong ma-late,” pahayag pa ng sisteraka ni Gelli de Belen.

Baka Bet Mo: Janice suko na sa love: Kasi fail ka nang fail, baka hindi para sa ‘yo’

Naniniwala kasi ang premyadong aktres na isang kawalan ng respeto sa ibang tao lalo na sa iyong mga katrabaho ang pagiging late.

“Because for me, the biggest disrespect to another person is when you don’t show up on time,” ang punto pa ni Janice.

Sey pa ni Janice napakarami rin niyang natutunan sa mga batikang direktor na nakatrabaho niya mula noon hanggang ngayon, kabilang na sina Chito Roño, Danny Zialcita, Peque Gallaga at Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Sa panayam ng “Fast Talk” kay Janice, napag-usapan din nila ang tungkol sa lovelife. “Are you too broken to fall in love again?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy kay Janice dahil nga ang feeling ng ibang tao ay na-trauma na siya sa mga lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


“I have really never thought of that, ‘yung broken. But now that you have brought it up, I think I’ve been broken enough,” ang sagot ng aktres.

Nabanggit din ni Janice na wala na siyang malalim na pakagulugan sa salitang lovelife, pero aniya, “‘Pag type ko sila, type nila ‘ko, eh ‘di siyempre, ‘di ba? Ang saya, ‘di ba?”

“Siyempre, nu’ng nag-asawa ako, it was different kasi feeling mo, ‘yun na ‘yung true love mo, ‘yun na ‘yung forever mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And then, when it fails, then you try again, and then it fails. And okay, maybe I should stop doing this. Kasi fail ka nang fail eh. Baka hindi ‘yan para sa ‘yo,” paliwanag pa ni niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending