Taylor Swift gumawa ng kasaysayan sa Grammys, 4 na ang Album of the Year
GUMAWA na naman ng kasaysayan sa music industry ang international Pop Superstar na si Taylor Swift matapos manalo sa 2024 Grammy Awards.
Wagi ang kanyang “Midnights” bilang Album of The Year sa katatapos lang na 66th Annual Grammy Awards sa Crypto.com Arena, Los Angeles, USA.
Ito na ang ikaapat na pagkakataon na nanalong Album of the Year si Taylor Swift kaya naman natalbugan na niya ang mga music icons na nakatanggap na rin ng naturang awards.
Kabilang na riyan ang mga record-holder sa Grammy na sina Frank Sinatra, Paul Simon at Stevie Wonder.
Baka Bet Mo: Xian Gaza nag-invest ng P50k sa kaibigan, ipinambili ng concert ticket ni Taylor Swift: Na-scam ‘yung scammer
Nakalaban ni Taylor ngayong taon sa naturang kategorya sina Lana Del Rey, Olivia Rodrigo, Grammys darling Jon Batiste at top nominee na si SZA.
Isinama ng international singer sa stage ang kanyang producer na si Jack Antonoff at kapwa nominee na si Lana Del Rey, nang magbigay siya ng acceptance speech.
View this post on Instagram
“I would love to tell you this is the best moment of my life but I feel this happy when I finish a song or crack the code to a bridge I love or when I’m shot listing a music video or rehearsing with my dancers or my bang, or getting ready to go to Tokyo for a show.
“For me, the award is the work. I love it so much. It makes me so happy. It makes me unbelievably blown away that it makes some people happy who voted for this award too.
Baka Bet Mo: Fil-Am artists Olivia Rodrigo, Bruno Mars, H.E.R. waging-wagi sa 64th Grammy Awards
“Thank you so much for giving me the opportunity to do what I 100 percent love so much! Mind blown!” mensahe ni Taylor.
Matatandaang nag-top agad sa Billboard Charts noong 2022 nang i-release ang “Midnights” na siyang 10th studio album ni Taylor. Kasunod nito, pinangalanan siya bilang unang artist na nakakuha ng lahat ng 10 spots sa US top songs chart.
Bukod sa Album of the Year, naiuwi rin ni Taylor Best Pop Vocal Album. Sa kanyang acceptance speech, ibinandera nga ni Taylor ang bago niyang studio album na may titulong “The Tortured Poets Department” na ilalabas na sa April 19.
Ang tatlo pang album ni Taylor na nagwaging Album of the Year ay ang “Fearless,” “1989” at “Folklore.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.