Hirit ni Ryzza Mae kay Aga: Pick me as your daughter-in-law!

Ryzza Mae kay Aga: Pick me as your daughter-in-law, malapit na Valentine’s!

Ervin Santiago |February 05,2024
facebook
share this

Ryzza Mae kay Aga: Pick me as your daughter-in-law, malapit na Valentine’s!

Ervin Santiago - February 05, 2024 - 09:41 AM

Ryzza Mae kay Aga: Pick me as your daughter-in-law, malapit na Valentine's!

Ryzza Mae Dizon at Aga Muhlach

SUPER laugh ang mga manonood sa nakaraang episode ng “Eat Bulaga” kung saan naging special guest ang award-winning actor na si Aga Muhlach.

Aliw na aliw kasi ang viewers kay Ryzza Mae Dizon na feeling “anak” din ni Aga dahil lantaran nga ang pagkakaroon niya ng “crush” sa anak ng aktor na si Andres Muhlach, ang kakambal ng co-host nila sa show na si Atasha.

Bumisita si Aga sa longest-running noontime show ng sa bansa para sa promo ng bago niyang pelikula, ang “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko”, katambal si Julia Barretto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasabay nito, nagpasalamat din ang seasoned actor sa mga Legit Dabarkads at sa buong production ng “Eat Bulaga”  dahil sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Atasha na matagal-tagal na ring co-host ng programa.

Baka Bet Mo: Ryzza Mae graduate na ng Junior High School, ibinandera ang pagiging ‘Top 3’ sa klase

Bago maglaro sa segment ng show na “Peraphy”, nagbigay nga muna ng message si Aga sa lahat ng mga Dabarkads.

“Meron lang akong gustong sabihin kasi first time ko na makakasama, gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat dito for taking care of my one and only daughter na talagang sobra niyang mahal na mahal kayong lahat.

“Kinakabahan parati yan pero excited yan to come here every day,” chika ni Aga.

Sey naman sa kanya ni Bossing Vic Sotto, “Huwag kang mag-alala, we will take care of your daughters.”

Napangiti naman si Aga nang marinig ang sinabi ni Bossing na “daughters” na ang tinutukoy nga ay sina Atasha at Ryzza Mae na kinilig naman nang bonggang-bongga sa sinabi ni Vic.

“Akala ko nawalan ako ng isang anak na babae, nadagdagan pa pala!” ang birong hirit ni Aga sa panunukso ni Bossing kay Ryzza Mae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TVJ Productions Inc. (@tvjofficial)


Banat pa ni Aga kay Ryzza Mae, “Si Andres, medyo minsan napapanaginipan ka na. Sana maimbitahan ninyo si Andres para magkita naman sila ni Ryzza.”

Baka Bet Mo: Nadine sa ibobotong kandidato sa Eleksyon 2022: If you don’t like my pick, that’s your problem

Habang naglalaro na si Aga sa “Peraphy,” natanong si Ryzza kung ano ba ang talent niya. Hirit na sagot ng teenstar, “ang magmahal lamang po.”

At nang bumaling kay Aga, nag-dialogue ang TV host ng, “Hi Dad! Nice to meet you, Dad. Please pick me po. Dad, please pick me po, ha?”

Singit naman ni Bossing, “Ryzza, hindi puwede ang pick me. Dapat siya ang mamimili. Hindi puwede yung nagbibigay ka ng clue, pick me.”

Tugon naman ni Ryzza, “Hindi po, Bossing, hindi po dito. Please pick me as your daughter-in-law. Malapit na Valentine’s!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hagalpakan naman ang mga Dabarkads sa diretsahang “proposal” ni Ryzza Mae kay Andres. Pati si Aga ay tawa rin nang tawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending