Ice Seguerra may payo kay Ryzza Mae Dizon: Look for that one thing you are really passionate about
NAG-REACT ang singer-songwriter na si Ice Seguerra sa naging pagkukumpara sila ng kapwa child star na si Ryzza Mae Dizon.
Sa kanyang naging panayam sa iNQUIRER.net, ay sinabi nito na agree siya sa mga nagsasabing may pagkakapareho talaga sila ng dalaga na parehas minahal ng mga dabarkads nang sumali sila sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga”.
“I agree that there is a similarity because we both started in ‘Bulaga,’ which is a family known to really take care of their artists. What I want is for Ryzza Mae to carve her own path and to look for that one thing that she is really passionate about,” diretsahang saad ni Ice.
Aniya, dito raw pumapasok ang napakahalagang role ng mga magulang at mga guardians ng ypung artists.
“It’s very important to have your kids trained early because what they are doing isn’t just a hobby. They have to consider this a job because they are working alongside professional actors who value their time and craft,” lahad ni Ice.
Dagdag pa niya, kahit siya mismo raw ay ayaw makipagtrabaho sa child actor na hindi marunong mag-give back.
Kaya nga labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang ina dahil bata pa lang ay sinanay na siya nitong i-train sa pagsayaw, pag-arte, at pagkanta.
“I’m grateful that, when I was still young, my mom made sure I trained for dancing, singing and even acting—although not so much. He said that as a child actor, you can’t just rely on being cute. That is only effective for a few years. Other than your cuteness, dapat mayroon ka ring ibubuga,” sey ni Ice.
Sinabi rin ng singer-songwriter ang kahalagahan ng pagdidisiplina ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na kapag nagsimula na itong magtrabaho at kumita ng pera.
View this post on Instagram
“Just because your children are earning money doesn’t mean they can boss everyone around, including you. That’s the worst thing you can do to a child—when you give them everything they want and treat them as your equal,” pagbabahagi niya.
Para kay Ice, responsibilidad ng mga magulang na idisiplina ang mga anak para manatili itong grounded sa buhay.
“I swear to you, if you don’t discipline your child, you will not like the monster you will be dealing with later on,” pagpapatuloy pa niya.
Marami na rin daw siyang mga narinig na kuwento patungkol sa mga artistang nagbago dahil kinain na ng kasikatan.
Giit pa ni Ice, “They didn’t know how to handle these things and eventually turned into drug addicts and alcoholics. It’s very important for parents to make sure their children have a solid foundation at home. That’s the only way they can actually last in this industry.”
Related Chika:
Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam
Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin
Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?
Ryzza Mae Dizon wala raw ‘utang na loob’, hindi nagpasalamat kay Lolit Solis
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.