Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin Bandera

Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin

Ervin Santiago |August 26,2021
share this

Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin

Ervin Santiago - August 26, 2021 - 08:59 AM

Ryzza Mae Dizon

UNTI-UNTI na ring nakakapag-adjust si Ryzza Mae Dizon sa “new normal”, lalo na pagdating sa kanyang pagtatrabaho at pagiging estudyante.

In fairness, hindi na nga siya si “Aleng Maliit” ngayon na naging palayaw niya mula nang manalo siya bilang Little Miss Philippines 2012 sa longest-running noontime show sa bansa, ang “Eat Bulaga”.

Medyo nadagdagan na rin ang height ni Ryzza Mae mula noong magkapandemya at marami nga ag nagsasabi na blooming din siya at dalagang-dalaga nang tingnan.

Sa nakaraang episode ng “Stories of Hope” ng GMA, nagbigay ng ilang detalye ang teenager tungkol sa mga kaganapan ngayon sa buhay niya sa panahon ng pandemic.

Ipinakita sa programa ang ilang nakakaaliw na contents sa YouTube channel ni Ryzza Mae. Ipinasilip din niya sa mga manonood kung anu-ano ang mga naipundar niya mula nang maging bahagi siya ng EB Dabarkads. 

Bukod sa naipundar na bahay at sasakyan para sa kanyang pamilya,  nakapagpatayo rin ang TV host at child actress ng kanyang computer cafe noong 2017 sa Quiapo.

Ngunit, aniya nang dahil nga sa COVID-19 pandemic ay isinara muna nila ito. 

Sa ngayon ay hindi pa rin pwedeng lumabas para makapagtrabaho si Ryzza Mae dahil sa guidelines na ipinatutupad sa community quarantine.

Napapanood pa rin naman ang dalagita sa “Eat Bulaga” mula sa kaniyang bahay via zoom o video call.

“Sobrang nanibago po ako na lahat ng ginagawa ko, through Zoom na lang po, through gadgets na lang. Hindi tulad ng dati, nakakasama ko ‘yung mga Dabarkads, mga boss po,” pahayag ni Ryzza Mae.

Samantala, pumapasok na rin siya sa kanyang online classes at medyo nasasanay na rin siya sa ganitong set-up pero siyempre, mas okay pa rin daw ang face-to-face dahil nakikita niya ang kanyang mga teacher at kaklase.

Ibinahagi rin ni Ryzza ang kanyang fitness journey at kung paano niya inaalagaan ang katawan sa pamamagitan ng workout.

“Panay po ang workout ko kasi nga po kapag hindi ako nag-workout lagot ako kay mama, magagalit siya sa akin,” chika ni Ryzza.

Aniya pa, “Kasi gusto niya po na ma-fit ako, healthy po ako kasi importante ang workout sa atin para rin po ‘yung katawan natin inside is healthy din po lalo ngayong pandemic mahirap na po kapag nagkasakit.

“Gusto ko rin naman po na pumayat po ako kahit konti kasi siyempre nagdadalaga na po ako. And para magka-leeg-leeg na rin po ako kahit konti,” ang natatawa pa niyang biro sa nasabing panayam.

At sa tanong kung ano pa ang gusto niyang gawin in the future bukod sa pag-aartista, “Ang pangarap ko naman po paglaki ay, siyempre unang una lumaki muna ako. Ha-hahaha!

“Tapos maging chef. Kasi gusto ko pong matutong magluto. Minsan po nagpa-practice na akong magluto, kami po ni mama. Ang saya po kasing maging chef,” sey pa ni Ryzza Mae

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending