‘Squid Game’ Season 2 aarangkada ngayong 2024

Season 2 ng Korean hit series na ‘Squid Game’ aarangkada ngayong 2024

Pauline del Rosario - February 04, 2024 - 05:59 PM

Season 2 ng Korean hit series na ‘Squid Game’ aarangkada ngayong 2024

PHOTO: Courtesy Netflix PH

THE wait is over mga ka-Bandera, lalo na sa mga fan diyan ng mega-hit series na “Squid Game!”

Ang ikalawang season kasi ng nasabing Netflix series ay nakatakdang i-release ngayong taon.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng streaming service sa pamamagitan ng “Next on Netflix 2024” na inupload sa YouTube kamakailan lang.

Sa nasabing video, mapapanood ang mga series at movies na dapat abangan sa buong taon at kabilang na nga riyan ang “Squid Game Season 2.”

Bibida pa rin bilang si “Seong Go-hun” ang Korean star na si Lee Jung-jae.

Baka Bet Mo: Angel, Neil nagpa-‘Squid Game’ Halloween party sa bahay: Who wants to play?

Makikita sa pasilip ang heart-pounding finale clip mula sa naunang season kung saan nasa airport si Gi-hun at papunta sana sa US nang bigla siyang nakatanggap ng mysterious call.

Dahil diyan, hindi na niya itinuloy ang kanyang plano sa ibang bansa at tila isang panibagong hamon ang haharapin.

Bukod kay Jung-jae, magbabalik ang mga karakter nina Lee Byung-hun bilang “Front Man” at si Gong Yoo na magsisilbi pa ring “Recruiter.”

Magkakaroon din ng bagong character sa serye na ginagampanan ni Park Gyu-young.

Kung matatandaan, taong 2021 nang unang ipinalabas ang “Squid Game” na naging most popular series at most-watched series ng Netflix sa buong mundo.

Umani ito ng mahigit 1.65 billion viewing hours na pinanood ng mahigit 142 million households sa loob halos isang buwan.

Nakuha rin nito ang number one spot sa “Today’s Top 10” across 94 countries.

Maliban sa massive viewership, gumawa rin ito ng kasaysayan matapos humakot ng parangal sa iba’t ibang prestihyosong international award-giving bodies.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kabilang diyan ang “Outstanding Directing” para sa direktor ng serye na si Hwang Dong-hyuk, at “Outstanding Lead Acto”r para sa magaling na pagganap ng Korean actor na si Jung-jae na nakuha sa Emmy Awards. 

Kinilala rin ang “Squid Game” na “Breakthrough Series” sa Gotham Awards, at  naiuwi rin nito ang  “Binge-Worthy Show of 2021” sa People’s Choice Award at ang “AFI Special Award.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending