Angel, Neil nagpa-‘Squid Game’ Halloween party sa bahay: Who wants to play?
Angel Locsin
NAKI-JOIN na rin ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa “Squid Game” fever na talaga namang bentang-benta at mainit pa ring pinag-uusapan sa buong Pilipinas.
Pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens ang Instagram post ng Kapamilya TV host-actress kung saan ibinandera nga nila ni Neil ang kanilang bonggang Holloween party.
Naisipan ng celebrity couple na gawing mala-“Squid Game” set ang isang bahagi ng kanilang bahay para nga sa Halloween celebration nila ngayong taon kasama ang ilang malalapit na kaibigan.
In fairness, nagtagumpay naman sina Angel at Neil sa kanilang plano na magkaroon ng “Squid Game” feel sa kanilang bahay with matching giant doll na katulad ng ginamit sa hit Korean series na napapanood sa Netflix.
Bukod dito, talagang nag-costume pa ang mag-asawa at ang kanilang mga bisita ala-“Squid Game” contestants.
Sa kanyang latest YouTube vlog, ibinahagi ni Angel na naging tradisyon na ang pagge-get together nila ng kanyang mga kaibigan tuwing sasapit ang Undas.
Noong bata pa raw siya, taun-taon ay nagpupunta sila ng kanyang pamilya sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kanilang mga kamag-anak na pumanaw na.
Ngunit nang magdalaga na raw siya ay nadagdag na sa mga tradisyon nila tuwing All Saints Day ang magkaroon ng Holloween party sa kanilang bahay. Hanggang sa maging annual gathering na ito ng kanyang barkada.
“Who wants to play a game? Hindi man tayo makalabas, we won’t let this pandemic dampen our halloween spirit. See you tomorrow for our squid game halloween themed special on @theangelandneilchannel!” ang caption ni Angel sa kanyang mga IG photos na kuha sa kanilang Undas event.
View this post on Instagram
Chika pa ng misis ni Neil, ang isa sa mga gustung-gusto niya sa mga Holloween party ay ang pagsasama-sama ng mga magkakapamilya at magkakaibigan suot ang kanilang mga paandar na costume.
“One of the things I like the most is that the community dresses in ridiculous costumes. Tapos no judgment.
“Kahit may budget ka o wala kang budget. Tumodo ka o hindi, accepted ka,” sey ng aktres sa kanyang vlog.
Sa ikalawang bahagi ng vlog ni Angel mapapanood naman ang ginawang mga games ng tropa at kung sinu-sino ang natalo at nanalo sa mga nakakalokang pasabog na palaro sa kanilang Holloween party.
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Squid Game” na ng Korea ang itinuturing ngayong “most-watched” series sa history ng giant streaming platform na Netflix.
https://bandera.inquirer.net/294205/carlo-ibinuking-ang-dahilan-kung-bakit-hindi-naka-join-sa-squid-game-inalok-sa-role-ni-ali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.