Katrina sa pumanaw na partner: Goodbye is not forever

Katrina sa pumanaw na partner: Goodbye is not forever, until we meet again

Ervin Santiago |February 04,2024
facebook
share this

Katrina sa pumanaw na partner: Goodbye is not forever, until we meet again

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 12:54 PM

Katrina sa pumanaw na partner: Goodbye is not forever, until we meet again

Katrina Halili at Jeremy Guiab

RAMDAM na ramdam ng mga tagasuporta at social media followers ni Katrina Halili ang kanyang pagdadalamhati ngayon.

Muling ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng boyfriend niyang si Jeremy Guiab, na dating vice mayor ng Wao, Lanao del Sur.

Sumakabilang-buhay si Jeremy nitong nagdaang Linggo, January 28, dahil sa heart attack.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagbahagi si Katrina ng ilang litrato nila ng namayapang partner sa kanyang Instagram account ngayong araw kalakip ang mensahe ng pamamaalam para kay Jeremy.

“Goodbye is not forever. Goodbye is not the end. It simply means I’ll miss you until we meet again,” ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na caption ng aktres.

Baka Bet Mo: Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: ‘Huwag puro dada!’

Bumuhos muli ang pakikiramay ng mga netizens kay Katrina at sa pamilya ni Jeremy, kabilang na rito ang mga mensahe mula sa mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz.

Mensahe ni Carla Abellana, “Yakap na mahigpit, Kat. Pinagdasal kita kahapon at ipagdadasal kita lagi. Love you, Kat.”

“Nakikiramay…” ang post ng kapwa Kapuso na si Dion Ignacio.

“You will be missed, Jeremy. He will be in your heart forever, Kat. Tight hugs,” ang pakikiramay naman ng veteran actress na si Chanda Romero.

Narito ang ilan pang mensahe ng netizens para kay Katrina.

“Mahigpit na yakap po. Nasasaktan din ako para kay idol kat. Kasi iba talaga kapag mahal mo at masaya ka kasi andyan sya dahil alam mo tinanggap ka ng buong buo. Kaso may ibang plano ang tadhana. Kakalungkot lang. Pero Idol Kat. Yakap para sayo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


“When you found a man who will accept you and your past then just suddenly disappear. It’s really heart breaking.”

Baka Bet Mo: Katrina pumayat dahil sa stress, naloka nang malamang sexy assassin pala ang role sa ‘Black Rider’: Akala ko drug lord lang na mag-uutus-utos’

“Yakap at pagmamahal nandito lang ako maam ndi kita iiwan.”

“Baka Kase sila talaga ni kris Lawrence.”

“You will be missed ny brother! Thanks for the wonderful times together. Till we meet again!”

“They kept their love private and I bet it was beautiful what they shared together. Making these slideshow even more heartbreaking to watch. Condolences po.”

Nauna rito, nagbahagi rin si Kat sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Jeremy na may caption na, “Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie (crying emoji) bakit iniwan mo kami (crying emojis).”

Bukod dito nag-post din ang Kapuso star at “Black Rider” actress ng isa pang photo nila ng boyfriend sa kanyang IG Story na may mga broken hearts emojis.

Kung matatandaan, sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay inamin ni Katrina na meron nga siyang boyfriend na malapit din sa kanyang anak na si Katie (anak nila ni Kris Lawrence).

Sabi ng aktres abot-langit nga raw ang pasasalamat niya sa guy dahil talagang tinutulungan siya nito sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Katie.

“Siya ‘yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, ‘di ba? Stubborn din ‘yung anak ko.

“So medyo mahirap kaming dalawa, minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya ‘yung mas kalmado. Tinutulungan niya ako talaga.

“Siya ‘yung mag-uusap, siya ‘yung kakausapin ako, kakausapin niya ‘yung anak ko,” kuwento ni Kat kay Tito Boy.

Inamin din ng celebrity mom na mula raw noong maghiwalay sila ni Kris ay hindi siya nagkadyowa, meaning 8 years siyang single dahil talagang nag-focus daw siya kay Katie.

“Noong dumating si Katie, wala talaga, as in eight years ayoko talagang mag-boyfriend, ayokong mag-date.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala, anything, work, work lang. Sabi ko ‘pag age ko ng 34, 35, kailangan meron na. Nangyari ‘yon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending