Vice humirit kay Jhong sa People’s Initiative; TNT Kids contestant swerte
NAKI-MARITES din ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa kontrobersyal na isyu ngayon tungkol sa People’s Initiative o P.I..
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng politika ang P.I. na may konek sa Charter Change o Cha-Cha na siyang naging ugat ng umano’y banggaan nina Sen. Imee Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Nadamay pa nga sa usapin sina Davao City Mayor Baste Duterte, Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, at dating Pangulong si Rodrigo Duterte.
Baka Bet Mo: Parking boy pinakain na ni Ryan Bang, binigyan pa ng pera; Jhong ipinagamot ang pasyenteng nagda-dialysis
At sa segment ngang “EXpecially for You” ng “It’s Showtime” last February 1, may hirit si Vice patungkol sa mas umiinit pang talakayan sa People’s Initiative.
Nagbatuhan ng punchline sina Vice at Jhong on national TV nang humirit si Vhong na kausapin na nila ang mga contestant sa “EXpecially for You” na sina Mark at Jaira.
“Kausapin mo na si Mark saka si Jaira,” ang sabi ni Vhong.
“Ba’t ‘di mo kausapin? Ito palautos talaga ‘to,” ang birong chika ni Vice kay Vhong. Patuloy pa niya, “Nakikita mo nagkukuwentuhan kami ng kumpare ko (Jhong). Kagagaling lang nito sa Senado.”
View this post on Instagram
“Kinukuwentuhan niya ko tungkol sa mga people’s initiative. ‘Di ba? Dapat kausapin mo (Vhong) siya.
“Ano nangyayari du’n? Sinong mga nagbabangayan ngayon?” ang pang-uusisa pa ng Unkabogable Star sa kanyang co-host na konsehal.
Baka Bet Mo: Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak
“Wala ako du’n!” ang natatawang hirit naman ni Jhong kay Vice.
Samantala, tuloy pa rin ang pagse-share ni Vice ng blessings sa kanyang kapwa.
Sa isa pang episode ng kanilang noontime show ay binigyan niya ng pa-birthday ang isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan Kids”.
Nalaman kasi ng mga host ng “Showtime” na malapit na ang birthday ng 11-year old contestant na si Lorenzo kaya agad siyang tinanong ni Vice kung ano ang gusto niyang gift.
Promise ng TV host-comedian, bibigyan niya si Lorenzo ng pambili ng mga damit at sapatos. Pinayuhan pa niya ang bagets na pagbutihan pa ang pagkanta pati na ang kanyang pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.