Herlene ipinagtanggol ang ina sa basher: Hindi naman po itinakwil

Herlene Budol ipinagtanggol ang nanay sa basher: ‘Hindi naman po itinakwil’

Ervin Santiago |January 31,2024
facebook
share this

Herlene Budol ipinagtanggol ang nanay sa basher: ‘Hindi naman po itinakwil’

Ervin Santiago - January 31, 2024 - 07:00 AM

Herlene Budol ipinagtanggol ang nanay sa basher: 'Hindi naman po itinakwil'

Herlene Budol kasama ang ina at iba pang miyembro ng pamilya

HINDI pinalampas ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol ang akusasyon ng isang netizen laban sa kanyang ina.

Talagang niresbakan ng dalaga ang isa niyang social media follower na nagsabing inabandona raw siya ng kanyang nanay ang kanilang pamilya.

Nag-ugat ito sa mga litratong ipinost ni Herlene sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang mudra at iba pang miyembro ng pamilya.

Maraming pumuri sa aktres dahil hanggang ngayon ay napanatili pa rin nilang masaya ang kanilang pamilya sa kabila ng mga pinagdaanan nilang pagsubok. Pinusuan din ito ng kanyang fans.

Baka Bet Mo: Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Pero may isang netizen nga ang nangnega sa kanyang IG post at nagkomento ng, “It is nice na after ka iwan ng nanay mo, at sumikat ka na, nagkikita na kayo. Family is love sa huli (laughing emojis).”

Nang mabasa nga ito ni Herlene ay talagang sinagot niya ang netizen at ipinagdiinang hindi naman daw sila talaga iniwan at pinabayaan ng nanay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi naman po tinakwil, miss. Nagkaron lang po talaga ng hindi pag kakaunawaan sa pagitan ng tatay at nanay ko kaya sa lolo at lola po ako lumaki,” depensa ni Herlene.

Baka Bet Mo: Herlene Budol babu na sa beauty pageants: Titigil na po ako, hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko…

Sabi pa ng dalaga, wala naman daw talagang perfect family sa mundo, “Kaya kahit broken family, maging masaya lang.

“Pinipilit kong pagsamahin silang lahat at sa awa ng diyos kahit may tampuhan at hindi pag kakaunawaan, pamilya pa din ang sandalan,” dagdag pa niya.

Sa isang panayam, nabanggit ni Herlene na totoong hindi masyadong maganda ang takao ng buhay nila noong bata pa siya. Napakarami rin daw talaga nilang hinarap na pagsubok.

Pero aniya, mas bumuti raw ang kanilang buhay nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, “Feeling ko naman ho talagang hindi sila ho para sa isa’t isa.”

Matapos ang matagumpay niyang teleserye na “Magandang Dilag” napapanood naman ngayon si Herlene sa primetime series na “Black Rider.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin siya sa action-comedy weekly series ng GMA 7 na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” starring Bong Revilla and Beauty Gonzalez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending