Maymay Entrata hiwalay na nga ba sa dyowang foreigner?

Maymay Entrata hiwalay na nga ba sa dyowang foreigner?

Therese Arceo |January 27,2024
facebook
share this

Maymay Entrata hiwalay na nga ba sa dyowang foreigner?

Therese Arceo - January 27, 2024 - 07:38 PM

Maymay Entrata hiwalay na nga ba sa dyowang foreigner?

TRULILI kaya ang chika na hiwalay na ang Kapamilya actress na si Maymay Entrata sa kanyang dyowang si Aaron Haskell?

Isa kasi ang dalaga sa naging topic nina Rose Garcia, Jun Nardo, at Ambeth Nabus sa kanilang January 25 episode ng “Marites University”.

May nga netizens raw kasi na nakapansin na tila hindi na ibinabandera o pini-flex ni Maymay ang dyowa.

Bukod pa rito ay tila nawawala na raw ang ilang post ng dalaga kasama si Aaron.

“May nakapansin pa na parang na-delete daw ‘yong ibang mga post ni Maymay na kasama si Aaron. Pero may natira daw.

“Tinignan ko nga ‘yong iba. Parang wala nga akong napansin. Pero may nakapansin na ‘yong sa Japan nila, nandoon pa rin. So, may mga nagtatanong talaga,” pagbabahagi ni Rose.

Baka Bet Mo: Maymay Entrata bonggang-bongga ang lovelife: ‘Sobrang nai-inspire ako lalong magtrabaho kasi masaya ang estado ng puso ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nausisa rin ang latest IG post ni Maymay na may caption na “muling ibalik”.

Base naman sa mga comments sa kanyang post ay ang hinihirit naman ng mga netizens pati na rin ng mga supporters ng dati niyang love team na muling magbalik ang MayWard.

“Hoping for @edward_barber to win this woman [Maymay] back to his life for a lifetime,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Muling ibalik ang pag ibig sa Mayward.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagsabi rin sa comment section na kung sakaling break na si Maymay at ang kanyang dyowang afam, huwag na raw pakialaman dahil personal niya itong buhay.

“For those who ask if break up sila it’s none of your business because it’s their life not yours,” depensa ng isa.

Samantala, wala pa namang pahayag si Maymay kung may katotohanan nga ba ang kumakalat na chika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending