Maymay Entrata bonggang-bongga ang lovelife: ‘Sobrang nai-inspire ako lalong magtrabaho kasi masaya ang estado ng puso ko’
“KAILANGAN talaga everyday ay may goal ka, para may purpose ka!” Yan ang pagbabahagi ng Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata tungkol sa patuloy na pakikipaglaban sa buhay.
Ayon sa dalaga, totoong may mga pagkakataon na napapagod siya at nakararamdam din ng burnout, pero sa mga pagkakataong ganito ay siya na mismo ang nagmo-motivate sa kanyang sarili.
“Every time na may pagsubok ako, siguro ang nagpu-push sa akin ay ‘yung past experience ko po,” ang pahayag ni Maymay sa panayam ng “Star Magic Celebrity Conversations.”
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “‘Yung kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko kasama ang pamilya ko. Na kapag nandoon ako sa time na sobrang pagod na ako ay bumabalik lang ako sa dati at sinasabi ko sa sarili ko ‘nandito na ako, ngayon pa ba ako susuko?’
“So, sabi ko parang buhay lang, hindi ba tuloy-tuloy lang siya manalo man o matalo. So, ganu’n din ang pangarap, tuloy-tuloy lang din.
Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali
“Kailangan talaga everyday ay may goal kayo, para may purpose ka, para hindi masyadong mahirap bumangon kapag nadapa ka,” paliwanag pa ng aktres.
Naibahagi rin ng dalaga sa nasabing interview ang kanyang ultimate goal in life, “Yung pamilya ko ‘yung makita sila na successful din at nasa mabuting kalagayan sila at masaya sila sa kung ano ang mayroon sila.
“At ‘yung relationship ko sa Panginoon ay sobrang strong, para sa akin ay okay na ako roon. Kasi kung pag-uusapan natin yung goal ko sa career ang dami, baka hindi tayo matapos. Pero sa sarili ko, sa soul ko, ‘yun ‘yon.”
Masaya ring nagbahagi si Maymay tungkol sa relasyon nila ng kanyang Canada-based boyfriend na si Aaron Haskell.
View this post on Instagram
“Sobrang nai-inspire ako lalong magtrabaho kasi masaya ang estado ng puso ko. Though hindi naman lagi masaya araw-araw, pero kung pipiliin mo maging masaya araw-araw, why not? Kasi temporary lang naman ang buhay.
“Dati kasi napagdaanan ko na lagi kong hinahayaan na ‘yung mga negatibo sa buhay ko na kainin ang bawat desisyon ko sa pang-araw-araw hanggang na-realize ko na hindi pala siya okay.
“Hanggang sa umabot siya sa point na nawala ako, pero natuto ako. Pero nu’ng natuto ako ay ‘yun naman ang pinaka-worth it na feeling, matagumpay na feeling na hinayaan kong iyakan ang lahat-lahat ng trauma, lahat ng pinagdaanan ko kasi dahil doon as mas naging strong ako ngayon, mas naging masaya ako.
“At mas nakikita ko ang mga taong alam kong totoo sa akin, at alam kong mahal ako at susuportahan ako at good for my soul po,” pahayag pa ni Maymay.
Samantala, may mga fans naman ang dalaga na nagre-request sa ABS-CBN at Star Magic na sana’y mabigyan na uli ng teleserye o pelikula ang kanilang idolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.