Bong naaksidente, muntik mabulag; Beauty napaiyak, natulala

Bong naaksidente sa taping, muntik mabulag; Beauty napaiyak, natulala

Ervin Santiago - January 27, 2024 - 10:04 AM

Bong naaksidente sa taping, muntik mabulag; Beauty napaiyak, natulala

Bong Revilla at Beauty Gonzalez

PANG-HOLLYWOOD ang production value ng “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis Season 2″ starring Bong Revilla and Beauty Gonzalez.

Kitang-kita ang laki ng budget na inilaan ng GMA 7 para sa pagbabalik sa ere ng hit action-sitcom nina Bong at Beauty na talaga namang humataw sa ratings game last year.

Sa mga action scenes pa lang, kabilang na ang pagpapasabog ng kotse sa ilang eksena ay parang nanonood ka na ng pelikula.

In fact, marami ang nagsasabi na pak na pak itong gawing pelikula this year at pwede talagang isali sa Metro Manila Film Festival 2024.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero sabi ni Sen. Bong may plano silang mag-join sa MMFF ngayong taon pero hindi pa siya nagdetalye about it kaya abangan na lang daw ng publiko ang tungkol dito.

Sa naganap na presscon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” kahapon, January 26, naikuwento ng actor-public servant ang nangyaring aksidente sa kanilang taping bago mag-Christmas.

Baka Bet Mo: Bong Revilla 50 years na sa showbiz, inalala ang kabilin-bilinan ng ama: huwag na huwag mali-late sa shooting, maging professional

Muntik na palang mabulag si Sen. Bong nang tamaan siya ng baril sa mukha habang kinukunan ang eksena nila ni Beauty na gumaganap na misis niya sa programa.

Nag-aagawan daw kasi sila ng baril ni Beauty sa naturang eksena hanggang sa makuha niya ito pero tumama naman sa kanyang mukha at napuruhan nga ang kanyang mata.

“May scene na inagawan ko siya ng baril. Hindi niya alam, nakuha ko yung baril niya tapos ako yung nakipagbarilan. Supposed to be hindi na ako pulis so naagaw ko yung baril niya. Nang bumaril ako, kinuha niya sa akin yung baril.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Accidentally, tinamaan yung mata ko. Sa totoo lang, akala ko nabulag ako, pero pina-check ko, nagpunta talaga ako sa ospital.

“But I’m okay at bumalik ako sa set siyempre para mawala yung takot ni Beauty, at saka lalaki ang cost ng GMA kung ipa-pack up ko yung shooting,” kuwento ni Bong.

“Natural lang ‘yun. Hindi naman gusto ni Beauty na tamaan ‘yung mata ko. Aksidente ‘yun. Actually dito sa project na ito ilang beses nasaktan.

Baka Bet Mo: Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama

“Tinamaan na ako rito, tinamaan na ko diyan, napilay na ako, hanggang ngayon mga nagte-therapy pa ako sa paa ko,” ang pagbabahagi ng senador.

“Kasama sa magiging ano ‘yan eh, kapag gu­magawa ka ng aksyon katulad nung may aksidenteng ganoon, minor accident.

“Kaya ‘yun ‘yung gusto ko ring ituro sa ibang kasamahan natin, na mga kapwa natin artista, ‘yung mga minor na ganung gasgas kasama ‘yan.

“That’s part of it. Na may mga aksidenteng hindi natin maiiwasan pero hangga’t maa-avoid, avoid din pero ganon pa man like Beauty, as I’ve said, okay na sa ‘kin ‘yun.

“Wala ‘yun. Aksidente ‘yun eh. But sa totoo lang akala ni Beauty, nabulag ako. Umiiyak na siya. Tulala siya,” pahayag pa ni Bong.

Hiyang-hiya naman si Beauty habang nagkukuwento ang kanyang leading man, “Gusto ko nang mawala, matunaw uy. Saan ako pupunta? Saan ako magtatago? Hindi ko alam.

“I’m so nervous that I don’t know what to do. But I was like, the whole time, nakatulala lang talaga ako. Hindi ko alam anong gagawin ko.

“Magpa-Pasko pa naman. Ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Sabi ko, shocked bulag siya, patay! Ginoo ko Lord!” pag-aalala ni Beauty sa nasabing eksena.

Iniisip daw niya na baka nabulag na si Bong, “Parang nag-expect ako kasi ‘yung isang oras ka lang maghihintay ang dami mo nang naiisip ‘di ba. Tatlong oras umabot pa ako sa ganu’n.

“Ginoo ko ‘di ba? As in pawis to the max. Pinawisan pati kilikili ko. Tapos biglang dumating,” sey pa ni Beauty na ang tinutukoy ay ang pagbalik ni Bong sa set mula sa ospital.

“Oo, iyak din ako sabi ko, ‘hay salamat Ginoo ko! Okay ka pa rin.’ Tapos sabi ko, nakakakita ka pa rin ba nang maayos, ng maganda at hindi?’ Joke lang, pero binibiro ko lang siya pero talagang I’m happy that he’s okay and he got back. And enough of that,” sey pa ng Kapuso actress.

Ang natutunan daw ni Beauty sa nangyari, “Accidents happen and ano lang talaga, you can be very careful but I don’t know, natutunan ko is have faith na everything will be okay. Ayun lang.

“Nag-pray lang talaga ako nung time na ‘yun na sana maging okay siya and then totoo pala ang Diyos na maging okay siya’t gwapo. ‘Yun lang, kinakabahan ako.

“It’s a very unforgettable experience for me because I really don’t want any accidents to happen to anyone in the set. Hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko,” aniya pa.

Kuwento naman sa amin ni Sen. Bong at sa ilan pang members ng press tungkol sa naturang eksena, na-trauma lang daw ng konti ang mata niya pero talagang natakot siya dahil dumugo ito.

“Actually dumugo siya ng konti. Dumugo ng konti kaya medyo natakot ako. Akala ko… at least okay sya. God is so good. Ayun ang isang patunay na hindi tayo pinapabayaan ng Diyos kaya palakpakan natin si God,” sabi ng senador.

Samantala, mapapanood na simula sa February 4, 7:30 p.m. ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa GMA 7. Makakasama rin dito sina Herlene Budol, Celeste Cortesi, Carmi Martin, Maey Bautista, Jestoni Alarcon at Ejay Falcon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa season ng action-sitcon ni Sen. Bong sina Dennis Padilla, Niño Muhlach, Dion Ignacio, Jeffrey Tam, Kelvin Miranda, Raphael Landicho at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Enzo Williams.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending