Lala Montelibano isa sa mga natulungan ni Ara: My very good amo

Lala Montelibano isa sa mga natulungan ni Ara Mina: My very good amo

Reggee Bonoan |January 26,2024
facebook
share this

Lala Montelibano isa sa mga natulungan ni Ara Mina: My very good amo

Reggee Bonoan - January 26, 2024 - 10:09 PM

Lala Montelibano isa sa mga natulungan ni Ara Mina: My very good amo

MARAMI pala talagang natutulungan ang TV host, actress, producer at entrepreneur na si Ara Mina na hindi nito ipinagkakaingay at nalalaman na lang dahil ang mga taong ito mismo ang nagkukuwento tulad ni Deborah Sun kay Julius Babao sa vlog nito.

Si Deborah kasama ang dalawang anak ay pinatira ng libre ni Aras a kanyang condo unit sa Quezon City ilang taon na ang nakararaan na may kasamang monthly supply ng groceries at bigas at dahil walang regular na trabaho ang una ay nag-aabot din ang huli ng pambayad ng bills nila.

Ang ikalawang nagkuwento na natulungan siya ni Ara ay ang dating sexy star noong dekada 80 na si Lala Montelibano sa panayam ni Julius sa kanyang vlog na in-upload sa YouTube channel nitong Enero 25.

Bale ba matagal na palang hinahanap ni Ara si Lala na naging staff niya sa negosyo niyang beauty products na may puwesto noon sa Taguig City.

Nagpaalam daw na uuwi ng Davao si Lala noon kay Ara dahil sa problema sa anak at mula noon ay nawalan na ng komunikasyon ang dalawa.

Nang malaman ito ng TV host cum content creator ay pinahanap niya sa staff niya si Lala at hindi naman sila nabigo.

Teary-eyed pareho sina Ara at Lala nang magkita sila at pareho silang nagsabing na-miss nila ang isa’t isa.

Tinanong ni Julius kung ano ang pakiramdam ni Lala na nagkita silang muli ng dati niyang boss.

Baka Bet Mo: Dave Almarinez laging ‘nagre-report’ kay Ara Mina bilang asawa kaya walang isyu ng selos: ‘Sobra ang trust ko sa kanya’

“Napipipi na hindi lo mawari (sabay yakap ulit ni Lala kay Ara), my very good amo,” sambit ni Lala.

“Grabe, nahanap mo siya! You found her!” say ni Ara kay Julius.

Bago nagkita sina Ara at Lala ay nakuwento ng huli kay Julius na destiny ang pagkikita nila ng dating boss dahil may mga senyales na may pagbabago sa buhay niya.

Ano ng aba ang istorya nina Ara at Lala.

“Sa taping kami nagkakilala gusto niya akong ma-meet bilang ginampanan niya ‘yung life ko,” sabi ni Lala na hindi naman binanggit kung saan ito ipinalabas.

Tsinek namin at sa GMA 7 ito ipinalabas na umere noong Agosto 2003, pero ang nakalagay ay si Angelu de Leon ang gumanap bilang si Lala Montelibano.

Dagdag pa ng dating sexy star, “Magaan ang loob niya sa akin biglang (tanong daw ni Ara), ‘ano na ang buhay mo?’ Sabi ko’ wala po akong trabaho.’ Kinuha niya ako, nagtiwala siya agad sa taong hindi naman niya kilala. Ganu’n siya (Ara) binigyan niya ako ng tirahan ultimo unan, higaan siya lahat nagbigay sa akin.

Balik-tanaw ni Lala ay nasa tabi siya ng fountain ng Market Market sa TAguig na gutom na gutom at uhaw na uhaw pa at wala siyang pera kundi limang piso lang.

“Gusto ko ng inumin ‘yung tubig sa fountain kasi ang mahal pala ng tubig (bottled water) do’n, e, wala akong pambili. At para walang makakita sa akin may nakita akong bottled water gusto kong i-ano (kumuha ng tubig sa fountain) kasi talagang gutom na ako, nagpa-interview ako hindi naman ako nakapasa (bilang) Pharmacy assistant.

“Tapos may lumapit na babae sa akin binigyan ako ng one thousand sabi ko, bakit po? Isipin ko na lang daw binigay ito ni Lord at mayroon pang darating. Tapos si Ms A (Ara) nago-offer sa akin, sabi ko, ‘hala ang bait naman nitong babaeng ito?’” pagbabahagi ni Lala.

Baka Bet Mo: Deborah Sun labis ang pasasalamat kina Ara Mina at Julius Babao sa pagpapa-renovate ng kanyang tirahan: Ang sosyal na!

Sa tanong ni Julius kung anong naisip ni Ara para alukin si Lala ng trabaho na hindi naman daw niya kakilala.

“E, kasi di ba, siyempre dati siyang artista tapos nalaman mo na (walang-wala), e, inano ko (ginampanan) ang buhay niya, di ba? Tapos sabi nga niya ‘yung tubig sa fountain. Tapos nakaka-ano (nakakaawa) na makikita mo siya sa kalye na walang trabaho tapos hindi siya makauwi sa Davao pero gusto muna niyang mag-work dito (Manila).

Tanda ko gusto muna niyang magtrabaho dito bago umuwi para kahit papaano may ipon kasi nandoon ‘yung mga anak niya,” balik-tanaw ni Ara.

Saleslady ang inalok ni Ara pero tinanong muna niya si Lala kung okay sa kanya dahil ito ang kailangan niya para sa shop niya.

“Nagse-sales talk ako muna bago ko i-alok yung (produkto) na ginagaya ko ‘yung ginagawa ni ma’am kung paano gamitin (paninda) na dati may mga kasama ako tapos naging mag-isa na ako na kinakaya ko naman pati pagpasok ng pera sa bangko na first thing in the morning kung ano ‘yung nabentahan. Grabe, isang Ara Mina magtiwala sa ‘yo?” kuwento ni Lala.

Susog naman ni Julius, “oo nga saka hindi ‘yan lumabas o na-publicize!”

“Hindi naman kasi siya (Ara) mayabang na tao, eh,” sambit ni Lala.

Hirit ni Ara, “dahil sa ‘yo (Julius) lumalabas (mga natulungan) ha, ha, ha. Dahil kay Julius Babao, hinahanap mo lahat ng mga tinulungan ko, ha, ha, ha.”

Natawa rin si Julius sa sinabi ni Aras a kanya, “kurek, kurek! Sabi nila ‘yung mga hindi naga-announce ng pagtulong sa iba, ‘yun talaga ‘yung mabubuting tao, agree? (tanong kau Lala).”

“Amen, totoo, sobra. Hindi ko nakitang magalit kahit na konti ang benta lumaki o lumiit hindi siya nagbabago. ‘Yung ibang amo na-try kop ag (maliit benta) nagagalit.

“Si Ms A iba, tatanungin niya ako, ‘ate kumain ka na ba?” A-atehin ako ng amok o? Mangungumusta pa siya. Maramdaman mo ‘yung care.”

Malaking pagbabago raw sa buhay ng dating sexy star nang magkaroon siya ng trabaho at nakaipon pero kinailangan niyang umuwi ng Davao dahil nagkaroon ng problema ang anak niya.

Kuwento ni Ara na tumatawa, “nu’ng nawala siya mas lalong humina ang benta ako. Hinahanap siya kaya isinara ko (kasi mahina na ang sales) kasalanan niya kaya nasara ko na.”

Hinahanap daw si Lala ng mga suki at pati mga katabing stall ay kaibigan lahat ng dating sexy star.

“Nagpaalam ako kasi may problema sa anak ko, may per aka nga wala naman ang iyong pamilya, so, natakot ako no’n. Nagpaalam naman ako ng matino, sabi niya, ‘sige unahim mo ‘yung pamilya mo,” kuwento pa ni Lala.

At ngayon ay nakatapos na raw ng nursing si Lala at nag-iipon para sa review niya para sa board exam na nangako rin sina Julius at Ara na tutulungan siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahat daw ng nangyari sa buhay niya ay dahil kay Ara na naging inspirasyon niya.

Sa kasalukuyan ay sale rep sa Lala Montelibano among isang real estate pero wala pa raw siyang nabebenta kahit apat na taon na siya at nagpapasalamat siya dahil hindi siya tinatanggal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending