Ara Mina nagpaliwanag sa paggamit ng phone sa show ng PETA

Ara Mina nagpaliwanag sa paggamit ng phone sa show ng PETA

Pauline del Rosario - June 28, 2024 - 03:41 PM

Ara Mina nagpaliwanag sa paggamit ng phone sa show ng PETA

PHOTO: Instagram/@therealaramina

NAGSALITA na ang aktres na si Ara Mina upang linawin ang tungkol sa paggamit niya ng gadget sa nakaraang show ng Philippine Educational Theater Association (PETA) na “One More Chance.”

Magugunitang humingi ng sorry ang PETA sa netizen na naglabas ng saloobin sa social media tungkol sa naging karanasan niya habang nanonood.

Ayon sa kanya, maganda at walang problema sa mga nag-perform, ngunit ang umagaw ng kanyang pansin ay ang kapwa-manonood na gumagamit ng kanilang laptop at cellphone sa kalagitnaan ng theater play.

Tila nadamay si Ara dahil hagip siya sa viral photo na ibinandera ng nagreklamo na gumamit ng cellphone.

Paglilinaw naman ng batikang aktres, mabilisan lang siyang tumitingin sa kanyang cellphone upang makita kung may mga nag-message sa kanya.

Baka Bet Mo: Ara Mina takot na takot sa stalker, pinutakti ng mga indecent proposal

Sinabi niya rin na wala siyang dalang laptop, kahit ang kanyang kasama.

“I also saw the laptop. It’s the girl in front of me; nakaupo ‘yung may ari ng laptop,” sey niya matapos tanungin sa isang media event para sa upcoming show niya na “All of Me.”

Paliwanag pa niya, “Alam mo may laptop ako pero nasa bahay, nando’n lang sa cabinet.”

Ipinaliwanag din niya ang nakunang litrato niya na gumagamit ng phone, “Two hours and a half ‘yung play, normal lang [na] sisilipin mo rin!”

“Baka sabihin ng asawa ko bakit hindi ako sumasagot. Kahit ako naman, lalabas na lang ako kung mag-phone ako the entire play,” esplika pa niya.

Kasunod niyan, nagpaalala si Ara sa publiko na huwag basta-bastang mag-judge ng tao kung isang picture lang ang basehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganito ‘yan e—’yung anggulo parang. ‘Ay, ang laki ng braso niya,’ pero pag nakita mo naman sa personal, ‘Bakit ang liit ng braso niya?’—kasi mali ‘yung anggulo,” saad niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending