Fifth Solomon, Alex Gonzaga nagkatarayan: Naeepalan siya sa 'kin

Fifth Solomon, Alex Gonzaga nagkatarayan: Parang naeepalan siya sa ‘kin

Ervin Santiago |January 25,2024
facebook
share this

Fifth Solomon, Alex Gonzaga nagkatarayan: Parang naeepalan siya sa ‘kin

Ervin Santiago - January 25, 2024 - 07:05 AM

Fifth Solomon, Alex Gonzaga nagkatarayan: Parang naeepalan siya sa 'kin

Alex Gonzaga at Fifth Solomon

BAGO naging mag-BFF, hindi rin pala agad nag-click sina Alex Gonzaga at Fifth Solomon noong una silang magkasama sa “Pinoy Big Brother.”

Iyan ang inamin ni Fifth nang magkachikahan sila ni Toni Gonzaga sa latest episode ng YouTube channel nitong “Toni Talks”.

Napa-throwback ang actor-director noong maging housemate siya sa Bahay ni Kuya kung saan nga sila unang nagkakilala at nagkasama ni Alex.

Rebelasyon ni Fifth, hindi maganda ang  unang impresyon sa kanya ni Alex nang magkrus and landas nila sa naturang reality show ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid umamin sa harap ni Yassi Pressman: ‘Siya ang una kong crush! Ngayon niya lang nalaman ‘yan!’

Sa panayam ni Toni, naikuwento muna ni Fifth ang mga challenges na hinarap niya sa “PBB” kabilang na riyan ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya bilang closet gay hanggang sa dumating yung araw na umamin na siya sa publiko tungkol sa tunay niyang pagkatao.

“Umamin ako kasi napagod na ako, na parang may mga tweets na ipinasok from the outside world si Big Brother. Tapos parang dyina-judge pa rin ‘yung sexuality ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fifth Solomon (@fifthsolomon)


“Tapos parang may one time, pumasok si Robi (Domingo) noon. Tapos parang sinabi niya, ‘Pag ‘di ka nagpakatotoo, dyina-judge ka. ‘Pag nagpakatotoo ka, idya-judge ka rin naman. Parang wala namang pinagkaiba,” mariing sabi ng direktor.

Sey pa ni Fifth, Tapos parang sabi ko, ‘Oo nga ‘no. Nakakapagod. I’m gonna take my power back’. Na parang hindi n’yo na magagamit sa akin ‘yong word na ‘bakla’ kasi inamin ko na siya. Bakla ako.”

Baka Bet Mo: Fifth Solomon nami-miss ang paggawa ng pelikula: Ang dami kong nawalang project dahil sa kagagahan ko!

Ito rin daw ang dahilan kung bakit napalapit si Alex kay Fifth. Pero may rebelasyon siya tungkol sa pagsisimula ng friendship nila ni Alex.

“Actually noong una, first, second day, parang nagkakainisan kami niyan. Nagkakatarayan kami. Kasi siya parang naeepalan sa akin. Sobrang madaldal ako e. Ang likot ko.

“Tapos after ng third day, wala kaming magawa doon. Pareho kami ng humor. Pinagtitripan namin ‘yong mga housemate.

“So after noon, lagi na kaming tawa nang tawa. Naging bestfriend na kami sa loob hanggang paglabas,” pag-alala ni Fifth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Fifth ang nagdirek ng pelikulang “The Exorsis” nina Alex at Toni at siya rin ang direktor ng Philippine adaptation ng Korean film na “My Sassy Girl” starring Toni and Pepe Herrera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending