Rhen Escano hindi kering magpalaki ng boobs: OK lang kahit flat

Rhen Escaño hindi kering magpadagdag ng boobs: OK lang kahit flat

Ervin Santiago |January 23,2024
facebook
share this

Rhen Escaño hindi kering magpadagdag ng boobs: OK lang kahit flat

Ervin Santiago - January 23, 2024 - 07:30 AM

Rhen Escaño hindi kering magpalaki ng boobs: OK lang kahit flat

Rhen Escaño

KAHIT ilang beses nang nabiktima ng body shamers sa social media, wala pa ring balak si Rhen Escaño na magparetoke.

Palaging napapansin at naookray ang pagiging flat ng boobs ni Rhen pero sa kabila nito, hindi niya naiisip na sumailalim sa breast enhancement.

Tandang-tanda pa namin ang “flat” comment ng isang basher sa dibdib ng Kapamilya actress at Viva Artists Agency talento January ng 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


Niresbakan siya ni Rhen sa pamamagitan ng X (dating Twitter), “E ano kung flat? 2023 na, body shamer ka parin? Para kayong boobs ko. Walang character development.”

Baka Bet Mo: Resbak ni Rhen Escaño sa nang-okray sa kanyang dibdib: ‘Para kayong boobs ko, walang character development!’

Kaya naman sa naganap na mediacon para sa bago niyang endorsement, ang CC6 Online Casino last Friday, January 19, natanong si Rhen tungkol dito.

Kung magwi-win siya ng milyones sa lotto, gusto niya bang magparetoke ng boobs? “Alam n’yo po, sa totoo lang, na-realize ko lately na big-boned po kasi ako.

“And malaki akong tingnan kahit yung timbang ko is tama lang du’n sa edad ko.

“So, na-realize ko na kapag magpapa-enhance ako, kung mag-a-avail ako ng breast enhancement, hindi siya babagay sa akin. Magmumukha akong malaki.

“So, I think di siya makakatulong sa akin, sa appearance, at sa screen. And marami rin ako naririnig na hindi pala ganu’n ka-comfortable yung experience ng ibang tao,” lahad ng sexy actress.

Saad pa niya, “Last time nga po, eto nga, kuwento ko lang sa inyo na parang ayoko na pala. Kasi dapat magpapatanggal po ko ng wisdom tooth last time.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


“Tapos nanood po ako ng mga video sa YouTube ko, paano siya ginagawa. Tapos nakita ko po may hinihiwa, may dugo. Hindi ko po kaya. So, I guess, hindi ko po kaya magparetoke. Hindi talaga siya for me,” esplika pa ni Rhen.

Baka Bet Mo: Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!

Nai-share rin niya ang pagkakaroon ng trauma nang magpa-laser siya ng kanyang peklat sa cheeks dahil nagka-keloid daw ito.

“Like, I’m keloidal po ako. Dati po ni-laser lang yung dito ko. Ayan, kita niyo, keloid. So, pag nagpa-enhance ako, malalaman niyo po.

“Kasi makikita niyo, makikita niyo, magki-keloid din also. And sobrang love na love ko po yung sarili ko ngayon. As in, sobrang in-embrace ko siya.

“Parang, I don’t know, parang may something sa akin na ngayon hindi ko na masyadong nakikita, na in-embrace ng ibang tao. Na kailangan, ika-proud siya.

“So, parang wala naman masama du’n. Kung du’n po sila masaya, hindi ko sila dyina-judge. And sinusuportahan ko nga po yung mga friends ko na nagpa-enhance. As in, sobrang support.

“Pero ako po, like, personally, parang sobrang happy ko po talaga. And full of self-love, kung anong meron ako ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, kapag may mga bashers, yung deadma, as in, okay lang. So, flat,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending