Resbak ni Rhen Escaño sa nang-okray sa kanyang dibdib: 'Para kayong boobs ko, walang character development!' | Bandera

Resbak ni Rhen Escaño sa nang-okray sa kanyang dibdib: ‘Para kayong boobs ko, walang character development!’

Ervin Santiago |January 16,2023
facebook
share this

Resbak ni Rhen Escaño sa nang-okray sa kanyang dibdib: ‘Para kayong boobs ko, walang character development!’

Ervin Santiago - January 16, 2023 - 08:20 AM

Resbak ni Rhen Escano sa nang-okray sa kanyang dibdib: 'Para kayong boobs ko, walang character development!'

Rhen Escaño

TALAGANG marami pa ring mga body shamers na naglipana sa social media na akala mo’y mga perfect at walang mga kapintasan sa kanilang katawan.

Isang celebrity na naman ang nabiktima ng mga “golden bashers” sa socmed kamakailan, at yan ay walang iba kundi ang sexy actress na si Rhen Escaño

Isang netizen ang walang patumamggang tumawag sa kanya ng “flat” na ang tinutukoy nga ay ang kanyang boobs.

Nag-post kasi ng ilang litrato si Rhen sa Instagram kamakailan kung saan makikitang suot niya ang kanyang body-hugging brown tank top na may plunging neckline.

Sa gitna nga ng mga positibong komento ng IG followers ng aktres, may isang bastos na netizen ang nagsabing “Flat,” na sinundan pa niya ng crying emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


Hindi naman ito pinalampas ni Rhen at talagang sinagot niya ang basher. Resbak niya rito, “Yuck, body shamer.”

Bukod dito, ipinost din ni Rhen sa kanyang Twitter account ang comment ng nasabing netizen tungkol sa kanyang dibdib.

Aniya, “E ano kung flat? 2023 na, body shamer ka parin? Para kayong boobs ko. Walang character development.”

Ilang celebrities din ang nagpakita ng suporta sa aktres tulad nina Lovi Poe at Chynna Ortaleza, na mukhang relate na relate sa nasabing isyu.

Hirit ni Lovi, “Wahahaha welcome to the Flaternity!”

Sey naman ni Chynna, “Flaternity is power!”

Ang reply ni Rhen kay Lovi, “Hahaha flat is the new sexy”

Rhen nanghihinayang dahil hindi inabot si Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Ellen pinatanggal na ang breast implant dahil sa side effects, hirit ni Derek: ‘I miss your old boobs!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rhen Escano 10 taon naghintay bago bumida sa pelikula: Hindi ako sumuko, laban lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending