Rhen Escaño swerte sa inilagay na P50 sa likod ng cellphone nu’ng New Year
DAHIL sa 50 pesos, feeling ng aktres na si Rhen Escaño ay sinuwerte agad siya sa kanyang career pagpasok ng 2024.
Isa ang Kapamilya star sa mga naniwala sa isang TikTok video kung saan ibinandera ang isa sa mga pampaswerte sa Bagong Taon — yan ay ang paglalagay ng P50-bill sa likod ng cellphone.
“Effective po pala maglagay ka ng 50 pesos sa likod ng phone mo nu’ng New Year. Kasi ginawa ko po yun. Di ba, may ganu’n? For money luck daw iyun. So, ginawa ko, wala namang mawawala e.
“Tapos after how many days, so here we go. Next year po gawin n’yo,” ang chika ni Rhen nang humarap siya sa entertainment media para sa launching ng bago niyang endorsement, ang CC6 Online Casino last Friday, January 19.
View this post on Instagram
Bukod daw sa bago niyang project, excited din niyang ibinalita na muli siyang mapapanood sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
Baka Bet Mo: Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!
“Nagulat nga rin po ako, kasi nu’ng isinali po nila ako cast, pinaalam lang po nila sa Viva (her talent management) is three taping days. And then naging five, and then pina-book na po nila ako until next year daw. So, ito na nga.
“So dahil pinahaba raw po nila yung character, at may ibinigay silang story dun sa character, parang ganu’n. And nakapag-taping na ako actually nu’ng mga importanteng eksena.
“So, may dahilan kung bakit hindi niyo siya masyado nakikita du’n sa mga previous na mga scenes before. So yun, and happy kasi bumabalik na ulit sa…hindi naman nalaglag sa top 10 sa Netflix, and sobrang daming viewers talaga, lalo na ngayon na…
“Wala pa talaga tayo du’n, e. As in I swear, papunta pa lang tayo sa exciting part. As in sobrang daming mangyayari,” pagbabahagi pa ni Rhen.
Secret pa raw kung ano ang mga bagong pasabog niya sa serye, Para hindi po natin ma-spoil. Sobrang kaabang-abang po siya. Kasi kahit ako, never pa po ako nagkaroon ng role na ganito. Na parang hindi natin alam kung ano siya, e.
View this post on Instagram
“Actually nu’ng una, hindi ko alam kung ano siya. Kasi wala naman kami like hindi namin alam ang story kung saan pupunta. Wala kaming finished na script. As in dumadating lang sa amin.
“So nu’ng nalaman ko na magiging ganun ang flow ng story, na-excite din ako. Exciting kasi never ko pang nagawa ang ganitong character. Maraming layers, ganu’n,” kuwento ng dalaga.
Baka Bet Mo: Rhen Escano posible bang ma-in love sa lesbian partner niya sa GL series na ‘Lulu’?
Chika pa ni Rhen, mas lalo pa raw silang naging close ni Donny sa “Can’t Buy Me Love” pati na sa ibang cast members, “Bago po ako pumasok du’n, magkakilala na po kami ni Donny. Kasi may mga common friends din po kami. Tapos may movie rin sila na ipalalabas.
“So, marami po akong kakilala na part nu’n. Du’n kami unang nagkasama… tapos yon, yun po. Naging friends kami, bago pa ako pumasok ng Can’t Buy Me Love. So yun, medyo pamilyar na din,” chika pa ni Rhen.
Samantala, tinanggap ni Rhen ang offer ng CC6 Online Casino para maging unang celebrity endorser dahil sa mga charity works ng kumpanya.
Makakasama raw siya sa mga advocacy projects ng company lalo na sa darating na February kung saan ipagdiriwang na nila ang kanilang third anniversary.
“I’m so excited to be part of this. Iyun naman ang gusto natin, lagi tayong may purpose.
“And to express our heartfelt appreciation, we prepared a special anniversary gift package for 10M members, and we’ll be distributing 10B pesos to members and charitable causes throughout the celebration,” saad ni Rhen.
Nakasama ni Rhen sa presscon ng CC6 ang kanyang manager na si Tita Aster Amoyo at si Ms. Jev Frago ng naturang online casino.
May nagtanong naman kay Rhen kung ano ang reaksyon niya na makakatapat niya ang aktres na si Maria Ozawa bilang endorser at partner din ng isang online casino portal.
“Naku, ibang usapan! Parang wala po tayong lamang dun. Nakikita nyo naman po. Parang dehado po tayo. Siguro po daanin na lang natin siguro sa…kung may charm siya, mas charming po ako! Ha-hahaha! Ayun na lang!
“Iba po siguro. Parang iba, iba yung target namin, e. Mas target po namin yung target ko dito sa mga charity works, kaya ko siya tinanggap. So yun.
“Siguro si Maria Ozawa, kung gusto niyang maka-join din sa amin, why not! Iyun! Pero wala po, wala po akong lamang du’n. Huwag na po (tapatan). Nag-iisa po siya. Iconic. Hehehe. Hindi, seriously,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.