Rhen Escaño all in 'pag nagmamahal, happy sa Cant Buy Me Love

Rhen Escańo all in kapag nagmamahal, happy sa success ng ‘Cant Buy Me Love’

Reggee Bonoan |January 20,2024
facebook
share this

Rhen Escańo all in kapag nagmamahal, happy sa success ng ‘Cant Buy Me Love’

Reggee Bonoan - January 20, 2024 - 07:48 PM

Rhen Escańo all in kapag nagmamahal, happy sa success ng 'Cant Buy Me Love'

Rhen Escańo

 

INAMIN ng dating sexy star na si Rhen Escano na lagi siyang sumusugal pagdating sa tawag ng pagmamahal at laging natatalo kaya naisip niya na mas bibigyan na lang niya ng prayoridad ang kanyang showbiz career lalo’t maganda ang pasok sa kanya ng 2024.

Kasama si Rhen sa drama series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na napapanood sa Kapamilya channel at Youtube.

Kuwento niya na nang kontakin ng “CBML” ang Viva management niya ay tatlong araw lang ang taping niya hanggang sa naging limang araw hanggang sa pina-block na ang schedule niya ngayong 2024.

“Pinahaba raw po nila ‘yung character ko na may ibinigay na (importanteng) story sa character ko and nakapag-taping na ako ng mga importanteng eksena, so may dahilan kung bakit hindi ninyo ako nakikita sa previous scenes and happy (ako) kasi nasa top ten sa Netflix (Can’t Buy Me Love) at wala pa tayo sa exciting part na sobrang daming mangyayari at kaabang-abang po kasi never pa ako nagkaroon ng ganitong role

“Kasi hindi ko alam kung ano, like nu’ng una hindi ko alam sa papunta ang story kasi hindi naman finish script ang ibinibigay sa amin kaya nu’ng nalaman ko ang flow ng story na-excite ako,”paged-detalye ni Rhen.

Nabanggit din nab ago pa pumasok sa “Can’t Buy Me Love” ang aktres ay magkakilala na sila ni Donny dahil marami silang common friends na kasama ng aktor sa upcoming movie nya na ipalalabas daw ngayong buwan.

Baka Bet Mo: Rhen Escaño minulto habang nagsu-shooting sa lumang school; muntik mapahamak nang gawin ang ‘lubid scene’ sa ‘Marita’

Samantala, malaking pasalamat ni Rhen na nabago na ang takbo ng karera niya dahil matagal din siyang naghintay at inaming sumugal siya noong bagong pasok siya sa industriya dahil sa mga pelikulang ginawa niyang nagpakita siya ng skin.

“Sumugal po ako noon at alam naman po lahat kung ano ‘yung unang pinasukan ko sa career ko at marami akong natutunan dahil kung hindi ganu’n ang ginawa ko, hindi ko mararating ang meron ako ngayon. Yung ginagampanan ko ngayon ito ‘yung gusto kong gawin talaga.

“Kaya naman ang ganda ng pasok ng 2024 dahil ang daming projects po agad, tulad nitong CC6 Online Casino na kinuha akong first ever endorser nila. Alam ko po maraming magtatanong kung nagka-casino ako, actually, hindi po. Pero ang mga friends ko nagka-casino, naisama na nila ako at in-explain nila sa akin nag-try ako pero hindi ko naging habit, hindi para sa akin ang sugal.

“Ngayon ang daming nagsusulputang online casino at hindi ko pa na-try but isa lang naman ang message na gusto kong sabihin dapat moderate lang, parang pag-inom din kung gustong uminom moderation lang and ipon muna, pag may extra puwwede.

“Pero kaya ko po tinanggap itong CC6 Online Casino dahil sa charity works nila ang daming taong matutulungan.

“At gusto ko rin pong sabihin sa lahat na since endorser po ako ng CC6 ay hindi po ako magiging bad influence sa mga followers ko at hindi porke’t online casino ito ay puro bad na ang makukuha ng mga tao,” diin ni Rhen.

Samantala, natanong naman ang Promo at Marketing head ng CC6 Online Casino na si Ms Jev A. Frago kung anong qualities ni Rhen para siya ang napiling endorser nila.

“Super down to earth po siya and at the same time pareho po kami ng vision ng CC6 na kami ‘yung namimigay na I think nabanggit naman kanina na first in the industry na kami talaga ‘yung namimigay ng tulong at game na game si Ms Rhen na mamahagi kaya next week mag schedule na kaming mamigay ng tulong sa mga lugar na nangangailangan,” pahayag ni Ms Jev.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil sa sobrang tuwa ni Ms Jev sa magandang pagtanggap sa bagong endorser ay nagpa-goodluck siya sa mga dumalo sa launching ni Rhen bilang endorser kaya naman tuwang-tuwa ang lahat ng taga-media dahil lahat ay panalo sa raffle headed by Ms Aster Amoyo na manager ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending