Jessy pinatunayang hindi peke ang boobs: Actually, bigat na bigat na ako sa aking hinaharap | Bandera

Jessy pinatunayang hindi peke ang boobs: Actually, bigat na bigat na ako sa aking hinaharap

Ervin Santiago |June 14,2021
facebook
share this

Jessy pinatunayang hindi peke ang boobs: Actually, bigat na bigat na ako sa aking hinaharap

Ervin Santiago - June 14, 2021 - 12:09 PM

PINATUNAYAN ng asawa ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola na hindi peke ang kanyang boobs tulad ng paniniwala ng ilang netizens.

Ayon sa aktres, isa sa laging itinatanong sa kanya ng mga followers niya sa social media ay kung tunay ba ang malulusog niyang dibdib o dumaan din siya sa breast enhancement.

Sa isa niyang YouTube vlog ay diretsahan niyang sinagot ang ilan sa mga tinaguriang niyang “savage questions” mula sa netizens kabilang na ang tanong kung cosmetically enhanced ba ang kanyang boobs.

Natatawa munang pinindot ng misis ni Luis ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib sabay sabing, “Yes, they’re real guys.”

Sey pa ng aktres, never talagang sumagi sa isip niya ang  magpadagdag o magparetoke ng dibdib dahil sa totoo lang daw nabibigatan na siya sa mga ito.

“Hindi ko na talaga kaya magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap.

“Kaya ako nagpapayat noon dahil hindi ko na rin kaya ang bigat ng aking boobs.

“Real talk. Kasi nakukuba na ako and masakit sa likod,” chika pa ni Jessy.

Sunod na binanggit ng aktres ang tanong ng ilang netizens kung ano raw ba ang kanyang bra size. Halatang nawindang si Jessy at hindi makapaniwala na may mga interesado raw palang malaman ang sukat ng bra niya.

“Ano ba ‘yan! Ang aking cup size ay 34B,” sagot ni Jessy at isinunod na rin ang kanyang vital statistics, “34-25-38. Pag medyo bloated, 26 inches ang waist ko.”

Samantala, nakarating din daw sa kanya na may mga taong nagse-search sa Google kung ano ang itsura niya noon dahil feeling nila ay nagparetoke din siya ng ilong.

Ayon kay Jessy, hindi siya nagparetoke ng ilong. Wala pa raw ginagalaw sa anumang bahagi ng kanyang mukha at natural lahat ng nakikita ng mga tao sa itsura niya.

“Ang dami-daming nagsasabi na nagparetoke ako kasi nag-iba yung ilong ko, parang sobrang lumiit ang face ko.

“Pero ang totoo niyan, really, pumayat lang ako. At mas nag-mature yung face ko kaya mas naging defined yung features ko,” paliwanag niya.

At para patunayan pa ito, inilapit pa ng aktres ang mukha niya sa camera at itinuru-turo ang kanyang ilong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tingnan niyo, make-up lang ‘yan. Mag-nose line lang kayo at mag-highlighter sa gitna ng ilong, tatangos din ‘yan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending