KD Estrada super alaga si Alexa, todo-bantay hanggang sa CR

KD Estrada alagang-alaga si Alexa Ilacad, todo-bantay hanggang sa CR

Reggee Bonoan |January 22,2024
facebook
share this

KD Estrada alagang-alaga si Alexa Ilacad, todo-bantay hanggang sa CR

Reggee Bonoan - January 22, 2024 - 10:14 AM

KD Estrada alagang-alaga si Alexa Ilacad, todo-bantay hanggang sa CR

KD Estrada at Alexa Ilacad

PINURI ng mga senior stars si Alexa Ilacad na kasama niya sa seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” dahil sa pagiging propesyonal nito sa trabaho.

Tahimik lang daw si Alexa pero kapag gumiling na ang kamera ay nagugulat na lang sila dahil mata pa lang ay umaarte na, ang kuwento nila sa finale mediacon ng “PPP.”

Nabanggit ding sobrang alaga si Alexa ng ka-loveteam niyang si KD Estrada. Ibinuking pa ni Rosanna Roces na pati pagpunta ng aktres sa banyo ay nakabantay ang aktor sa labas kaya natawa rin ang KDLex dahil hindi nila sukat akalain na pati iyon ay napansin.

Anyway, inamin ni Alexa na malaki ang nagawa ng “Pira-Pirasong Paraiso” sa kanya.

Baka Bet Mo: ‘Priceless’ para kina Loisa, Alexa, Charlie at Elisse ang makatrabaho si Maricel; Ate Girl, David Chua may ‘something’ nga ba?

“PPP, it was an incredible journey for me, I grow a lot personally and as an actress as well,” say ng dalaga sa panayam sa kanya ng “TV Patrol.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, na-touch siya sa ginawang pagtatanggol ni KD sa mga namba-bash sa kanya na dating supporters nila ng dating ka-loveteam na si Anji Salvacion na nagsimula sa loob ng Bahay ni Kuya.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA kamakailan ang ginawang pagtatanggol ni KD sa dalaga at marami ang pumuri sa kanya sa pagpapakita niya ng tapang.

Baka Bet Mo: Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Ayon kay Alexa, “I was actually very scared at first when he told me that he wanted to post. I initially told him not to ‘coz I was okay naman and he was receiving backlash.

“E, ako naman I was okay pero sabi niya he couldn’t take it na. Never siyang (KD) nagkulang to stand up for me and he’s never afraid to do that event if I’m fine, he really wants to show people that no one can hurt me,” sabi ng dalaga.

Kaya sabi ng netizens ay napakasuwerte ni Alexa dahil may lalaking handang harapin ang lahat para sa ikapapanatag ng loob niya at ang haba rin ng hair ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang huling dalawang linggo ng “Pira-Pirasong Paraiso”, mula Lunes hanggang Biyernes, 2 p.m. at tuwing Sabado ng 3 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending