'Priceless' para kina Loisa, Alexa, Charlie at Elisse ang makatrabaho si Maricel; Ate Girl, David Chua may 'something' nga ba? | Bandera

‘Priceless’ para kina Loisa, Alexa, Charlie at Elisse ang makatrabaho si Maricel; Ate Girl, David Chua may ‘something’ nga ba?

Ervin Santiago |October 22,2023
facebook
share this

‘Priceless’ para kina Loisa, Alexa, Charlie at Elisse ang makatrabaho si Maricel; Ate Girl, David Chua may ‘something’ nga ba?

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 04:12 PM

'Priceless' para kina Loisa, Alexa, Charlie at Elisse ang makatrabaho si Maricel; Atw Girl, David Chua may 'something' nga ba?

Loisa Andalio, Maricel Soriano, Charlie Dizon, Elisse Joson, Alexa Ilacad, David Chua ất Jackie Gonzaga

TAOS-PUSONG nagpapasalamat ang mga bida ng “Pira-Pirasong Paraiso” sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa kanyang natatanging pagganap matapos magpaalam ang kanyang karakter sa Kapamilya afternoon serye.

Ibinahagi nina Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Loisa Andalio ang kanilang tuwa na makatrabaho si Maricel na para sa kanila ay “dream come true.”

“Sobrang saya po namin na nakasama ka namin dito sa aming munting paraiso. Nakatawanan, nakatrabaho, at higit sa lahat nayakap namin nang buong-buo ang isang Diamond Star,” ani Elisse.

Para kay Alexa, priceless ang on-and-off cam moments nila kasama si Inay Marya, “Isa po sa mga bucket list wish ko ay makatrabaho kayo at masaya ako na nangyari na. Ipagmamalaki ko talaga ‘to. Thank you sa mga wisdom na binigay niyo at ipinasa sa amin.”

“Sobrang saya ko po na nakatrabaho ko na po kayo. Sana hindi pa po ito ang huli. Forever ko po itong tatanawin na isang karangalan na naka-work kayo at naka-eksena ko na kayo,” pasasalamat naman ni Charlie.

Baka Bet Mo: Aktor dalawang beses tinanggihan ng mga kaparehang aktres, ano kaya ang problema?

Forever grateful din si Loisa sa “once in a lifetime opportunity” na makasama ang Diamond Star. “Maraming salamat po sa pag-oo na makasama kami, isang karangalan po. We love you,” aniya.

Nag-viral sa social media ang ilang emosyonal na eksena sa serye kung saan nagbitiw ng masasakit na salita sa isa’t isa ang mga karakter nina Maricel, Elisse, Alexa, Charlie, at Loisa.

Sa kasalukuyang kwento ng “Pira-Pirasong Paraiso,” umiigting na ang imbestigasyon sa pagkapatay kay Amanda (Maricel) dahil aakusahan si Diana (Charlie) ng kanyang mga kaaway bilang ang totoong mamamatay-tao. Sino nga ba talaga ang salarin?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 3 p.m. at kada Sabado ng 2:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

* * *

The entire “Good Will” gang is back in running their resort na this time health and wellness center na rin.

Todo to the max si Lloyd (David Chua) as the new CEO of Good Will — from revamping the look and feel of Good Will to creating a brand new menu — super hands on talaga ang poging bida!

So naturally, Lloyd needs all the help he could get — kasama na dito ang marketing and promo.

So enter frame si Ate Girl Jackie Gonzaga as a newly hired promotions and marketing asisstant.

Baka Bet Mo: Bakit may mga araw na hindi na makausap ni KD Estrada si Alexa Ilacad?

But wait there’s more! Parang put to the test ang long distance relationship ni Lloyd with Sarah (Devon Seron) sa pag-enter frame ng bagong assistant!

Talaga ba? Is there a love triangle brewing? Exciting!

Anong riot ba ang hatid nitong si Ate Girl Jackie? Tutukan ang nakakalokang adventures at misadventures ng tropang “Good Will”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Produced by ALV Productions, Viktory 8 Media Media Inc., and Dark Carnival Productions, “Good Will” airs on Net25 every Sunday at 4 p.m. right before Korina Interviews.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending