Toni Fowler kinampihan ni Pura Luka: Ano’ng depinisyon n’yo ng moralidad?
NAKAHANAP ng kakampi ang content creator na si Toni Fowler sa paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kinakaharap niyang mga kaso sa korte.
Ipinagtanggol ng drag queen na si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay si Toni Fowler na sinampahan ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI dahil umano sa mga malalaswa nitong content sa YouTube.
September, 2023 nang sampahan siya ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code, in relation to Section 6 ng Republic Act 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012. Nakapagpiyansa na ang vlogger para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa X account ni Pura, mababasa ang pagdepensa niya kay Toni at sa iba pang creators at performers na pinupuntirya ng ilang sektor ng lipunan nang dahil sa kanilang pagiging artist at pagpapahayag ng kanilang mga sarili.
“What is your definition of ‘morality’? Why are we going after people who are expressing themselves through their art?” simulang hugot ni Pura.
View this post on Instagram
“I’ve said this before and I will say it again, if you don’t like what you are seeing/hearing, then simply move on and find the ones you like,” dugtong pa ng drag queen na inasunto naman dahil umano sa pambabastos niya sa imahe ng Poong Nazareno.
Narito ang dalawang komento na nabasa namin sa post ni Pura Luka Vega.
“True, Ma. Very subjective ang morality. What’s moral to you may be immoral to others and vice versa. We can always filter naman kung ano gusto natin makita sa social media.”
Baka Bet Mo: Kim Atienza kay Pura Luka Vega: I sincerely hope you develop the empathy
“You call your act and Toni’s MV an ‘art’?? Yours was BLASPHEMOUS! Hers is NUDITY. It’s okay with you for kids to see these ‘arts’ you’re talking about? To be fair, how about you act as one of the Muslims and pretend to be Muhammad and let’s see.”
Wala pang inilalabas na official statement si Toni hinggil sa kinakaharap niyang kaso at ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Nauna rito, naglabas na si Toni ng kanyang depensa tungkol sa kaso. Narito ang bahagi ng kanyang official statement.
“Hindi dapat nakakaramdam ng pandidiri at pagkahiya ang kahit na sino pa pag pinag-uusapan, napapanood, o naririnig ang sekswal na parte ng ating katawan o ang mismong ideya ng pakikipagt@lik dahil mas itinutulak nito ang karamihan para maging bukas at matapang sa iba pang usaping konektado dito tulad ng panghahal@y, hindi planadong pagbubuntis, at iba pang bagay na kadalasang kaming mga kababaihan ang nakakaranas.
“Gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.