Jiro Manio hinanap ang ama: Gusto kong malaman kung Japanese talaga siya
HINANAP ng premyadong aktor na si Jiro Manio ang kanyang tunay na ama na kahit kailan daw ay hindi pa niya nakita.
Sabi ni Jiro, tinangka niyang matunton kung sino ang kanyang ama dahil gusto niyang malaman kung totoo bang isa itong Hapon.
“Hinanap ko po, nagtanong-tanong ako sa kanila, una sa family ko. Sabi nila isang beses lang daw ‘yun nagpunta, pinagbubuntis ako ng mother ko,” ang pagbabahagi ng dating child star sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday.
Chika pa ni Jiro, “Iniwan po sa bahay ang mother ko, umalis daw pong mag-isa. Tapos iyak daw nang iyak ang mother ko nu’n dahil masama raw ang sinabi sa mother ko.
“Hindi ko po alam. Hanggang sa ipinanganak na ako na wala na siya. Mother ko na lang ang mag-isa na nagpalaki sa akin,” pag-alala pa ng aktor sa kanyang kabataan.
Baka Bet Mo: Jiro Manio maraming bawal gawin, hindi pa pwedeng bumalik sa showbiz
Sa tanong ni Tito Boy kung bakit gusto niyang makita ang ama, “Hinanap ko po talaga siya, tinanong ko sa family ko. Naengganyo lang ako na makita siya, kung totoo ba na ang tatay ko ay Japanese.
View this post on Instagram
“‘Yun lang naman po ang naiisip ko. Dahil lumaki ako rito sa Pilipinas wala naman po siya,” sey ni Jiro.
Ang unang itatanong daw niya kapag nagkita silang mag-ama, “Kung kilala po ba niya ako na anak niya.”
Baka Bet Mo: Jiro Manio sa pagbenta ng Gawad Urian trophy: ‘Dala na rin ng hirap ng buhay’
Nabanggit din ng aktor na super nami-miss na niya ang kanyang nanay na pumanaw noong nagbibinata pa lang siya.
Ipinagagamot daw niya noon ang kanyang ina na nagda-dialysis pero hanggang sa hindi na nito nakayanan ang hirap na dinaranas dahil sa iniindang sakit.
“May tinitirahan kaming bahay noon, magkakasama kami ng kapatid ko. Sama-sama kami noon.
“Naaalala ko minsan napagkukuwentuhan namin ng mga pinsan ko noong buhay pa siya. Tapos kahit noong wala na siya, nagpaparamdam,” aniya.
Ano naman ang message niya para sa namayapang ina, “Ma kumusta na, anong balita? Ito ako, mataba na naman. Siyempre nakaka-miss din ‘yung sama-sama noon, walang problema, kahit saan magpunta nakakapasyal. Okay naman kami tsaka masaya naman ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.