Jiro maraming bawal gawin, hindi pa pwedeng bumalik sa showbiz

Jiro Manio maraming bawal gawin, hindi pa pwedeng bumalik sa showbiz

Ervin Santiago |January 21,2024
facebook
share this

Jiro Manio maraming bawal gawin, hindi pa pwedeng bumalik sa showbiz

Ervin Santiago - January 21, 2024 - 08:47 AM

Jiro Manio maraming bawal gawin, hindi pa pwedeng bumalik sa showbiz

Jiro Manio

WALANG galit o tampo ang award-winning actor na si Jiro Manio sa showbiz sa kabila ng masaklap na nangyari sa kanyang career.

Yan ang siniguro ni Jiro sa publiko nang makachikahan siya ni Boy Abunda sa nakaraang episode ng “Fast Talk” sa GMA 7 nitong nagdaang Biyernes, January 19.

Natanong kasi ang dating child star kung may sama ba siya ng loob sa industriya ng showbiz dahil sa nangyaring kamalasan sa kanyang career na talaga namang umalagwa noong bata pa siya.

“Hindi po. Parang feeling ko lang po I need some space para makagawa ako ng sarili kong kagustuhan,” tugon ni Jiro.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang nangyari kay Jiro noong malulong siya sa bisyo na naging sanhi ng pagkawasak ng kanyang buhay at career.

Baka Bet Mo: Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz

Taong 2015 nang ma-headline siya sa mga diyaryo at news websites matapos makitang palabuy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na tumagal nang ilang araw.

Tinulungan si Jiro ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, na gumanap na nanay niya sa pelikulang “Ang Tanging Ina.” Ipina-rehab niya ang aktor at binigyan ng iba pang pangangailangan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Taong 2020 naman nang muling umingay ang pangalan ni Jiro nang masangkot umano sa kasong frustrated homicide.

Sa tanong ni Tito Boy kay Jiro kung nasaan na siya ngayon sa kanyang buhay, ang kanyang naging sagot, “Nasa reality po.”

Baka Bet Mo: Jiro: Feeling ko kasi susuwertihin din ako kapag na-meet ko si Boss Toyo

Ang eksplanasyon ni Jiro tungkol dito, “Harapin ko pa po ang mga pagsubok sa buhay ko at tumayo ako sa sarili kong paa.”

Sa ngayon, katuwang niya ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa patuloy na pakikipaglaban sa mga pagsubok ng buhay.

Samantala, nagpaliwanag din si Jiro sa publiko kung bakit ayaw muna niyang magbalik sa showbiz.

“Hindi na katulad ng dati ‘yung babad talaga ako sa TV. Kasi po pinagbawalan ako ng mga doktor sa rehab na baka maging effects ng stress ko, magkasakit ako ulit, dahil hanggang ngayon nagte-take ako ng medicine.

“Tsaka marami pong ipinagbawal sa akin. Bawal pong mapuyat, bawal akong masyadong magalit, ‘yung mga substance,” dugtong pa ng premyadong aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami nga raw ang nagtatanong sa kanya kung kailan ba siya babalik sa pag-arte, ang lagi raw niyang isinasagot sa mga ito, “Sinasabi ko sa kanila, kailangan ko ng full recovery.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending