Dream wedding ni Bea tutuparin ni Dominic: ‘Pang-forever na ‘to!’
NAGSIMULA nang mag-prepare ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque para sa kanilang wedding na inaasahang mangyari ngayong 2024.
Kuwento ni Dominic sa isang panayam, mula nang pumasok ang Bagong Taon ay nag-start na sila ni Bea sa kanilang wedding preparation.
Ayon sa binata, pareho na silang super excited ng Kapuso actress sa kanilang pagpapakasal at talagang hands on sila pareho ng kanyang fiancée sa paghahanda ng lahat ng kakailanganin.
“The wedding is happening outside Metro Manila, the guest list is not yet complete, but our best friends, families, and relatives are going to be there.
“Next week, we’ll go full swing with the planning,” pahayag ni Dominic.
Baka Bet Mo: Michael V nagparamdam na sa posibleng collab kasama si Vice Ganda: ‘Ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?’
Nabanggit din ng negosyante at hindi na aktibong aktor na marami silang mga kaibigan ni Bea na gustong tumulong sa wedding planning and preparations, kaya nagpapasalamat siya sa mga ito.
Inamin din ng binata na may mga pagkakataon na naaasar sa kanya ang kanyang future wife dahil feeling daw nito ay hindi raw siya masyadong hands on sa preparasyon.
“Sometimes, she gets annoyed with me because she feels like I’m not too involved, but every woman has a dream wedding, and Bea has one.
View this post on Instagram
“We’re just thankful that a lot of our friends are involved in this. It’s her dream (wedding) so I’m giving it to her, we’re doing it together,” pahayag pa ni
Dominic.
Baka Bet Mo: Luis Manzano may ‘trivia’ kung ilan ang nagsimula ng ‘Eat Bulaga’, Anne Curtis nadamay?
Kamakailan, magkasamang nagbakasyon ang magdyowa sa Japan at base sa kanilang mga Instagram photos and video, talagang in-enjoy nila ang cold and snowy Sapporo weather.
Isa sa mga binisita nina Bea at Dominic doon ay ang Mount Moiwa, kung saan inila-lock ng mga couples ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
Doon nga isinabit ng engaged couple ang kanilang “love padlock”, partikular sa railings ng “Fortune Bell.”
“Dom and I decided to be cheesy and got ourselves a lovelock and put it on the railings,” ang caption ng Kapuso actress sa kanyang IG post.
“Tinapon na namin yung key, pang forever na ‘to. Hahhahaha,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.