Ryan pinabilib ang netizens sa DIY na pagbunot sa ngipin ni Luna

Ryan pinabilib ang mga kapwa celebs sa ‘DIY’ na pagbunot sa ngipin ni Luna

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Ryan pinabilib ang mga kapwa celebs sa ‘DIY’ na pagbunot sa ngipin ni Luna

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 09:56 PM

Ryan pinabilib ang mga kapwa celebs sa 'DIY' na pagbunot sa ngipin ni Luna

Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at Luna Agoncillo

MARAMING naaliw at natuwa sa pagiging “DIY” (do-it-yourself) dentist ng TV host-actor na si Ryan Agoncillo.

Napa-wow ang mga netizens, pati na rin ang mga kaibigan niyang celebrities sa pagtatanggal niya ng baby tooth ng bunsong anak nila ni Judy Ann Santos na si Luna Agoncillo.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng “Eat Bulaga” host at Legit Dabarkads ang video clip kung saan mapapanood ang pagbunot niya ng ngipin ni Luna habang nakakandong ito kay Juday.

“Parental dentistry: check (check) vid by Ats,” ang caption ng celebrity daddy sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Xian Lim nagpakaligaya sa France Disneyland; pine-pressure na ng fans na magpakasal

Mukha namang hindi masyadong nasaktan si Luna sa pagpapabunot niya ng ngipin sa kanyang daddy gamit ang manipis na tali o pisi.

Karaniwang ginagamit noon ng mga magulang sa “DIY” na pagbunot sa matatanggal ng ngipin ng mga bata ay sinulid.

Milyun-milyong likes at views na ang nakuha nito mula nang i-share ni Ryan sa kanyang social media account. Daan-daan na ring IG users ang nagkomento sa naturang video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)


Puring-puri si Ryan ng kanyang wifey na si Juday na nagsabing, “Good job daddy!”

Comment ni Angelica Panganiban, “Ay alam ko na kung san ko dadalin si Bean sa mga darating na taon.”

Baka Bet Mo: Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

“Omggggg!!! Will be booking our appointment when the time comes, Doc Ry!!!” sey ni Iza Calzado.

Hirit naman ni John Arcilla, “Galeng ng dentista ah!”

“Yaaaaaaaas!!!! She told me it was moving yesterday and wanted to do the door thing hehe!” moments ni Ciara Sotto.

Hirit naman ni Kiko Pangilinan, “Tooth fairy where are you?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Luna ang bunsong anak nina Ryan at Juday na nag-celebrate lang ng kanyang 8th birthday last January 8. May dalawa pang anak ang celebrity couple, sina Yohan at Lucho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending